Gamot sa pharyngitis

March 10, 2019

Ano ang pharyngitis?

Ang pharyngitis ay ang pamamaga sa likod na bahagi ng lalamunan dulot ng bacteria na streptococcus o ang tinatawag na “sore throat”.

Isa ito sa pinakamadalas na rason ng pagbisita ng karamihan sa kani-kanilang doktor lalo na sa panahon ng tag-lamig kaya mahalaga na ating pag-usapan ang sakit na ito.

Mga sanhi ng pharyingitis

Bukod sa mismong bacteria na streptococcus, may ilang sakit na maaaring magdulot ng pharyngitis sa ating lalamunan. Narito ang ilan na lamang sa mga posibleng maging sanhi nito:

Isa itong uri ng viral infection sa ating respiratory system)

Ito ay airborne disease o sakit na kumakalat sa pamamagitan ng hangin.

Kadalasang nagkakaroon ng sakit na chicken pox o bulutong tubig kapag nahawaan ng virus na varicella zoster.

  • Croup

Kondisyon ito kung saan namamaga ang lalamunan ng isang tao. Kadalasan itong

nakukuha ng mga sanggol at mga bata.

  • Pertussis

Uri ng respiratory infection kung saan walang humpay ang pag-ubo kaya nahihirapan na huminga ang mayroong sakit nito na dulot ng bacteria na bordetella pertussis.

  • Infectious Mononucleosis

Kilala rin ang sakit na ito bilang “kissing disease” dahil ang virus na ito ay napapasa sa

laway ng tao.

Sintomas ng pharyngitis

Kadalasang inaabot ng dalawa hanggang limang araw bago mawala ang sintomas ng pharyngitis depende sa sanhi o sakit na konektado rito.

Kung ang iyong pharyngitis ay konektado sa trangkaso o flu maaaring maramdaman mo ang mga sumusunod:

  • Pangangati ng lalamunan
  • Hirap sa paglunok
  • Bahing nang bahing
  • Sipon
  • Sakit ng ulo
  • Ubo
  • Panlalamig
  • Fatigue o pakiramdam na sobrang pagod
  • Pananakit ng katawan
  • Lagnat

Dagdag sa sore throat na sintomas ng mononucleosis, ang ilan sa mababanggit ay maaaring maramdaman din:

  • Pamamaga ng kulani
  • Sobrang pagod
  • Lagnat
  • Pananakit ng kasu-kasuan o muscles
  • Walang gana kumain
  • Pagkakaroon ng pantal o rashes

Kapag strep throat naman ang iyong nararanasan:

  • Hirap sa paglunok
  • Kulay pula ang lalamunan o may puti-puti sa gilid
  • Pagkahilo
  • Parageusia o pagkakaroon ng kakaibang panlasa

Paano nalalaman ng mga doktor na ikaw ay may pharyngitis?

  • Physical Exam

Kung ikaw ay nakakaranas ng pharyngitis, titignan nang mabuti ng doktor ang iyong lalamunan kung ito ba ay may tagpi-tagpi na kulay puti o abo, namamaga, o kaya namumula. Oobserbahan din ng doktor ang iyong ilong o tainga para malaman kung namamaga rin ang kulani o lymph nodes mo.

  • Throat Culture

Kapag may suspetsa ang doktor na ikaw ay may strep throat, kukuha siya ng sample sa iyong lalamunan sa pamamagitan ng pagpahid ng cotton swab. Sa loob ng ilang minuto, malalaman sa resulta kung ikaw ba ay positibong mayroong streptococuss na bacteria sa lalamunan.

  • Blood Tests

Sa pamamagitan naman ng blood test, makukumpirma ang sanhi ng iyong pharyngitis kung ito ba ay dulot ng mononucleosis.

Home remedies kapag may pharyngitis

  • Gumamit ng humidifier o instrumentong nagdaragdag ng moisture sa hangin upang maiwasan ang ibang bacteria na kumakapit sa katawan.
  • Magpahinga hanggang sa maging mabuti ang iyong pakiramdam

undefined

  • Uminom nang maraming tubig para maiwasan ang dehydration.

Ugaliing magpakonsulta sa doktor kapag nakaramdam ng sintomas na ito. Maaaring ireseta ng doktor and RiteMED Cefuroximine.

References:

https://www.healthline.com/health/pharyngitis

https://medlineplus.gov/ency/article/000655.htm

https://www.everydayhealth.com/pharyngitis/