Ang unang tatlong buwan ng iyong pagbubuntis ang pinaka-kritikal na stage ng development ng iyong sanggol. Dito nadedevelop ang kanyang utak, pati na rin ang kanyang gulugod o spinal cord.
Sa panahong ito, importante ang pagkonsumo ng sapat na bitamina para sa kalusugan ng ina at ng kanyang sanggol. At ang isa sa pinaka-importanteng bitamina para sa mga nagdadalang-tao ay ang tinatawag na folic acid.
Ano ang folic acid?
Ang folic acid ay isa sa mga pregnancy vitamins na inirerekomenda ng mga OB-Gyne. Mahalaga ang bitaminang ito para maiwasan ang mga birth defects gaya ng neutral tube effect o problema sa gulugod pagkapanganak.
Kaya sa oras na malaman mong ikaw ay buntis, simulan mo na agad ang pag-take ng vitamins na ito o mga pagkain na mayaman sa Folic Acid.
Ang bitaminang ito ay iniinom din ng mga gustong magkaanak.
Kailan dapat simulan ang pag-take ng folic acid?
Dapat inumin ang folic acid sa unang 12 linggo ng pagbubuntis.
Kung natigil ang iyong pag-inom ng folic acid sa unang 12 linggo ng iyong pagbubuntis, bumalik agad sa pagkonsumo nito hangga’t maaari.
Saan nakakakuha ng Folic Acid?
- Gulay
Mga pagkain gaya ng mga mabeberdeng gulay - gaya ng pechay, kangkong, asparagus, at spinach. Ang mga ito ay hindi lang mayaman sa folate o folic acid, binababaan din ng mga pagkaing ito ang risk ng cancer.
- Itlog
Mayaman sa folic acid ang itlog. Ito rin ay may lutein na mainam na panlaban sa iba’t-ibang eye disorders. May antioxidants para manatiling healthy ang mga cells ng iyong katawan.
- Prutas
Ang mga citrus fruits tulad ng lemon, orange, grapefruit, at lime ay nakakatulong sa
development ng iyong baby at nakakapagpalakas pa ng iyong resistensiya dahil mayaman din ito sa Vitamin C.
- Mani o Almond
Marami ang health benefits ng pagkain ng mani o almond dahil mayaman ito sa minerals at protina na kailangan ng iyong katawan.
- Pregnancy Vitamin Supplements
Dahil marami ang kailangang nutrients ng mga nagbubuntis, kailangang sabayan ng mga pregnancy vitamins ang mga kinakaing nilang prutas at gulay. Inirerekomenda ng mga doktor na uminom ng mga supplements na maaaring mabili sa mga botika.
May RiteMED ba nito?
Mga kaalaman tungkol sa RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid:
Para kanino ang RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid?
Ito ay iniinom ng mga gustong makaiwas o kasalukuyang nakararanas ng iron-deficiency anemia (isang uri ng sakit na may kakulangan sa dugo). Inirereseta rin ito ng mga OB-Gyne sa mga nagbubuntis at sa mga gustong magkaanak.
Gaano kadalas at tuwing kailan ito iniinom?
Isang tableta lamang kada araw o depende sa prescription ng iyong doktor.
Mga paalala bago inumin ang RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid:
Kumunsulta muna sa iyong OB-Gyne bago bumili at uminom ng kahit na anong vitamins at gamot.
Ilan sa mga posibleng side effects ng folic acid:
- Maaaring magdulot ng pagkairita sa gastrointestinal system. Ang epekto nito ay ang posibleng pagtatae, pagsusuka o pagkahilo.
References:
http://kalusugan.ph/folic-acid-at-pagbubuntis/
https://www.healthline.com/nutrition/foods-high-in-folate-folic-acid
https://www.webmd.com/baby/folic-acid-and-pregnancy#1