Ang pagbuo ng pamilya ay isa sa mga pinaka-inaasam ng mga bagong kasal. Ang pagbubuntis ay isang maselang bahagi ng buhay ng isang babae, kung kaya’t importanteng malaman ang mga signs ng pagbubuntis at ano nga ba ang dapat gawin kapag buntis. Gayun pa man, hindi lahat ng mga babae ay magkaparehas at hindi lahat ng mga babae ay magkaparehas ng signs na ipinapakita tuwing buntis. Ang ilan sa mga ito ang mga common na signs ng pagbubuntis:
Signs and symptoms |
Timeline (simula ng paglampas sa regla) |
Pulikat at spotting |
Week 1 to 4 |
Paglampas sa regla |
Week 4 |
Fatigue o pagkapagod |
Week 4 to 5 |
Nausea o pagkahilo |
Week 4 to 6 |
Pagsakit ng breasts |
Week 4 to 6 |
Dalas ng pag-ihi |
Week 5 to 6 |
Bloating |
Week 6 |
Motion sickness o pagkahilo dulot ng pag-galaw |
Week 6 |
Mood swings o pagbago ng pakiramdam |
Week 8 |
Extreme fatigue o matinding pagkapagod at heartburn |
Week 9 |
Mabilis na pagtibok ng puso |
Week 8 to 10 |
Pagbabago sa anyo ng breasts and nipple |
Week 11 |
Weight gain o pagdagdag ng timbang |
Week 11 |
Pregnancy glow |
Week 12 |
Kung inaakalaa mo na ikaw ay buntis, maaari kang gumamit ng pregnancy test. Pagkatapos ma-fertilize ng egg, lumalakbay ito patungo sa uterus o womb kung saan idinidikit nito ang kanyang sarili. Sa stage na ito, mayroong maliliit na particles ng hormone na kung tawagin ay hCG na maaaring ma-detect sa ihi. At ang hormone na ito na dine-detect ng mga pregnacy test upang malaman kung ang isang babae ay buntis. May ilang mga pregnancy tests na masyadong sensitibo na maaari mo itong gamitin, anim na araw bago sa inaasahang bisita. Ang pregnancy test ay maaaring bilhin sa mga botika, subalit mas mabuti na gumamit ng higit sa isa bago kumonsulta sa Doktor upang makasigurado na ikaw ay nagdadalang tao. Kapag sigurado nang nagbubuntis, maaari nang pumunta sa Doktor para humingi ng pangalawang opinyon at magpasuri. Ang Doktor ang siyang mabibigay ng mga dapat at hindi dapat gawin ng mga buntis.
Sources:
- http://uk.clearblue.com/pregnant/early-pregnancy-testing
- https://www.healthline.com/health/pregnancy/early-symptoms-timeline#symptoms-timeline
- https://www.webmd.com/baby/guide/pregnancy-am-i-pregnant#1
- https://unsplash.com/photos/FKOjXAbJWlw