Mga importanteng malaman sa iba't ibang stage ng pagbubuntis

June 20, 2017

Ang pagbubuntis ang isa sa mga pinakamahirap ngunit pinakamasayang bahagi ng buhay ng isang babae.

 

Base sa datos ng inilabas ng Philippine Statistics Authority, nasa 200 sanggol ang ipinapanganak kada oras sa Pilipinas. Noong 2014, nasa halos 4,791 na bata ang ipinapanganak araw araw. Ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng teenage pregnancy sa buong Southeast Asia, ayon sa United Nations Population Fund. Dahil sa mga numerong ito, mahalagang malaman ang mga stage ng pagbubuntis na pagdaraanan, pinagdadaanan at pinagdaan ng mga ina.

 

Ang pagbubuntis ay nagtatagal ng halos 40 linggo, kasama ang unang araw ng huling regla. Ang mga linggong ito ay nakahati sa tatlong trimesters kung tawagin.

 

 

Unang Trimester

 

Ang unang trimester ay ang una hanggang 12 linggo ng pagbubuntis. Sa panahong ito, madaming pagbabagong nararanasan ang babae dahil sa mga hormonal changes na nakakaapekto sa halos lahat ng organ ng katawan. Ang mga pagbabagong ito ay pwedeng mag-trigger ng mga sintomas. Ilan sa mga sintomas na ito ay ang mga sumusunod:

1. Sobrang pagkapagod

Ito ay dulot ng tumaas na bilang ng progesterone, isang hormone na nagpapataas ng pagkaantok.

2. Pamamaga ng suso at pagbabago ng kulay ng nipples

Ito rin ay sanhi ng pagtaas ng pregnancy hormones.

3. Pagkahilo at pagsusuka

Ito ang tinatawag na "morning sickness". Dulot ito ng tumaas na lebel ng pregnancy hormones sa katawan.

4. Madalas na pag-ihi

Kapag ang isang babae ay buntis, ang uterus nito ay lumalaki at nasasagi ang bladder na syang nagdudulot ng madalas na pag-ihi.

 

Nagsisimula ng magdevelop ang puso at baga ng sanggol kasabay ng utak, spinal cord, nerves, braso at hita sa unang buwan ng pagbubuntis. Sa ikatlong buwan, nagsisimulang mag-grow ang mga buto, muscles, daliri at bituka ng bata. Sa panahong ito madalas nalalaglagan ang ina.

 

undefined

 

Photo from What to Expect

 

 

Pangalawang Trimester

 

Ito ang ika-13 hanggang 27 linggo ng pagbubuntis. Ang ilan sa mga di kaaya-ayang epekto ng pagdadalang-tao gaya ng pagkahilo ay nababawasan o tuluyang nawawala sa mga panahong ito dahil naka-adjust na ang katawan sa pregnancy hormones. Ang isa sa mga pinakamalaking pagbabago sa stage na ito ay ang paglaki ng tyan. Narito ang mga pwedeng magbago sa katawan kung nasa ikalawang trimester ng pagbubuntis:

1. Pananakit ng ilang parte ng katawan gaya ng likod, tiyan, singit at hita.

2. Pagkakaroon ng stretch marks sa tyan, suso, singit at pwet.

3. Pangingitim ng balat sa paligid ng nipples.

4. Pagkakaroon ng linya mula sa pusod hanggang sa ari.

5. Pamamaga ng daliri, mukha at bukong bukong.

 

Sa pagitan ng ika-18 hanggang ika-22 linggo, maaari ng malaman ang kasarian ng bata sa pamamagitan ng ultrasound. Sa ika-apat ng buwan, nadedevelop na ang kilay, pilikmata, kuko at leeg. Nagkakaroon na din ng buhok at bumubukas na ang mata sa ika-anim na buwan.

 

 

Pangatlong Trimester

 

Ayon sa Johns Hopkins Medicine, sa ikaw-28 hanggang ika-40 linggo ng pagbubuntis, ang mga nagdadalang-tao ay maaaring mahirapan sa paghinga dahil lumiit ang espasyo ng baga para mag-expand dulot ng lumalaking uterus. Mas dadalas na din ang pag-ihi nila dahil sa dagdag na pressure sa kanilang bladder. Maaari ding makaranas ang mga magiging nanay ng paglabas ng colstrum, bilang paghahanda sa breastfeeding.

 

undefined

 

Photo from Medical News Today

 

Sa pangatlong buwan, ang fetus ay sumisipa na at nag-uunat. Kaya na din nitong magrespond sa ilaw at tunog. Kaya din nilang buksan at isara ang kanilang mata. Pagdating naman ng pangwalong buwan, maaari ng sinukin ang bata. Mas mabigat na din ang fetus dahil matigas na ang mga buto nito.

 

 

Sources:

https://psa.gov.ph/content/live-births-philippines-2014

http://philippineslifestyle.com/blog/2016/07/08/teen-pregnancy-rates-highest-asia/

https://www.womenshealth.gov/pregnancy/youre-pregnant-now-what/stages-pregnancy

http://www.livescience.com/44899-stages-of-pregnancy.html