Ano ang septicemia?
Ang septicemia ay isang uri ng sakit sa dugo dulot ng bacterial infection. Kilala rin ito bilang “blood poisoning” o lason sa dugo.
Nagkakaroon ng ganitong sakit kapag ang bacteria na nagmumula sa ibang parte ng katawan, gaya ng baga, ay napapasama sa daloy ng dugo. Ito ay delikado sapagkat oras na sumama ang bacteria sa iyong dugo, maaari itong kumalat sa buong katawan mo.
Ang septicemia ay isang seryosong banta sa buhay. Kung sakaling ikaw ay dapuan ng sakit na ito, kinakailangang pumunta agad sa ospital bago ito maging sepsis, isang komplikasyon na mas malubha pa kaysa septicimia.
Ang sepsis ay nagdudulot ng inflammation o pamamaga na parang nasusunog ang iyong katawan. Kung ang inflammation naman ay nangyari kasabay ng low blood pressure ang tawag dito ay “septic shock”. Nagreresulta ito sa blood clots na haharang sa pagdaloy ng oxygen sa mga vital organs na maaaring pagmulan ng organ failure.
Mga sanhi ng sakit na septicemia:
Impeksyon dulot ng bacteria ang pinakasanhi ng septicemia. Kapag napabayaan, maaari itong mag-resulta sa mga sumusunod na sakit:
- Appendicitis
- Pneumonia
- Urinary Tract Infections o UTI (impeksyon sa pag-ihi)
- Meningitis
- Osteomyelitis (impeksyon sa buto)
- Diabetes
Narito naman ang mga taong posibleng magkaroon ng septicemia:
- Mga mahihina ang resistensiya dulot ng mga sakit gaya ng HIV, AIDs, o cancer
- Mga umiinom o nagtuturok ng droga na nakapagpapahina ng immune system
- Mga sanggol na kakapanganak pa lamang
- Mga matatanda na mayroong problema sa kalusugan
- Mga kagagaling lamang sa ospital o kakatapos pa lamang magpa-surgery
Anu-ano ang septicemia symptoms na posibleng maramdaman mo?
Ang mga sintomas ng septicemia ay nararamdaman agad-agad sa oras na magkaroon ng impeksyon ang iyong dugo.
- Panlalamig o chills
- Lagnat o fever
- Mabilis na pagtibok ng puso
- Pakiramdam na parang kinukulang sa hangin
Habang tumatagal o kapag napabayaan ang sakit, heto ang mga posibleng sintomas:
- Pagsusuka at pagkahilo
- Kawalan ng pokus
- Mga pulang dots sa balat
- Konti lamang ang ihi
- Kulang ang dugo
- Pagkahimatay
Sa oras na maranasan ang mga nabanggit na sintomas, huwag mag-dalawang isip at dalhin agad ang pasyente sa ospital.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng septicimia?
- Magpabakuna upang makaiwas sa mga bacteria
- Panatilihing malinis ang katawan at ang paligid. Ang simpleng paglilinis ng kamay pati ng sugat ay malaking bagay upang maiwasan ang sakit na ito
- Maging listo sa mga sintomas at sanhi ng septicemia. Abisuhan ang mga mahal sa buhay upang ma-protektahan nila ang kanilang mga sarili.
Ang inyong doktor ay maaring magrerekomenda ng mga antibiotics na ibinibigay sa pamamagitan ng injection iyong gamitin ang septicemia.
Reference:
https://www.healthline.com/health/septicemia
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/sepsis-septicemia-blood-infection
http://www.columbianeurology.org/neurology/staywell/document.php?id=33932
https://www.medicalnewstoday.com/articles/311589.php
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sepsis/symptoms-causes/syc-20351214