Maliban sa napakainit na summer season, hindi nawawala sa Pilipinas ang panahon ng tag-ulan kung saan napakaraming dumadaan na bagyo. Dahil dito, hindi na naman maiwasan ang paglusong sa mga kalsadang puno ng baha. Ganunpaman, kailangang ng labis na pag-iingat dahil ang dumi na dala ng baha ay maaaring magdulot ng iba’t ibang skin diseases.
Ilan sa mga skin diseases na dapat nating iwasan ngayong tag-ulan ay ang mga sumusunod:
- Athlete’s foot
Ang athlete’s foot ay isang uri ng fungal infection na nagsisimula sa daliri ng mga paa. Maaaring magkaroon ng athlete’s foot dahil sa pagsusuot ng basing medyas at sapatos na maaari itong pamugaran ng mga bacteria. Ang athlete’s foot ay nakahahawa at maaaring kumalat kapag dumikit sa taong infected nito. Maaari rin itong kumalat sa pamamagitan ng pagdikit sa mga contaminated na tuwalya, medyas at sapatos.
Para maiwasan ito ngayong tag-ulan, ugaliing linisin at patuyuin ang paa pagkatapos lumusong sa baha na napakaraming dalang dumi at bacteria.
- Eczema
Ang eczema ay isang skin condition kung saan ang balat ay nagiging makati, mapula, magaspang at nagcracrack. Sa ibang kondisyon ng eczema, posible din ang pagkakaroon ng blisters. Di tulad ng athlete’s foot, ang eczema ay hindi nakahahawa. Hindi pa natutuklasan kung ano ang eksaktong sanhi ng pagkakaroon ng eczema. Ganunpaman, ang pagkakaroon nito ay pinaniniwalaang may koneksyon sa reaksyon ng immune system ng katawan.
Ayon sa mga nakararanas ng eczema, nagkakatoon sila ng eczema “flare-up” kapag napapadikit sila sa magaspang na mga bagay. Para naman sa iba, nagkakaroon sila ng eczema tuwing nag-iiba ang panahon at nagiging mainit o mas malamig ang paligid. Kaya naman ngayong tag-ulan, mas prone ang balat sa eczema dahil sa mga pagbabago sa temperatura.
- Ringworm infection
Ang ringworm infection ay hindi galling sa isang bulate. Ang ringworm infection ay isang fungal infection na kadalasang nag kokorteng bulate. Ang ringworm infection ay dulot ng dermatophytes na maaaring magdulot na iritasyon sa balat. Ang mga dermatophytes ay nabubuhay sa mga basang lugar. Kadalasang nagkakaroon ng ringworm infection sa pagitan ng mga daliri sa paa lalo na sa panahon ng tag-ulan.
- Scabies
Ang scabies ay skin problem na dulot ng maliliit na mites na tinatawag na Sarcoptes scabiei. Ang mga mites na ito ay nangingitlog sa ating balat at nagdudulot na labis na pangangati at pamumula. Ang mga sintomas ng scabies ay ang mga sumusunod:
- Labis na pangagati lalo na sa gabi
- Rashes na parang pimple
- Pagbabalat ng ating balat
- Blisters
Saan kadalasang namumugad ang mga mites na nagdudulot ng scabies?
- Sa gitna ng daliri
- Sa alak-alakan o di naman kaya gitna ng mga daliri
- Sa gitna ng bewang
- Sa dibdib o pribadong parte ng katawan
Ang scabies ay nakakahawa kapag dumikit sa balat ng taong infected dahil maaaring lumipat ang mites na may dala ng skin problem na ito.
Laganap din ito tuwing panahon ng tag-ulan lalo na sa mga evacuation centers kapag may bagyo dahil sa kakulangan ng kalinisan sa katawan at access sa malinis na tubig.
Kasabay ng pag-aalaga natin sa ating katawan at resistensya, dapat din ay ingatan natin ang ating balat sa panahon ng tag-ulan. Hindi dapat ipasawalang bahala ang mga malilit na pamumula at pangangati sa balat dahil maaari itong magdulot ito ng impeksyon kapag lumala. Huwag kakalimutan na magpakonsulta sa doktor para makasigurado. Isa sa mga maaaring ireseta ng doktor para sa maibsan ang bacteria sa balat ay ang RiteMED Mupirocin.