Iba’t ibang uri ng sakit sa balat

December 20, 2018

Ano ang mga uri ng sakit sa balat?

Ang mga sakit sa balat ay may iba’t ibang sintomas at paraan kung paano magagamot. Mayroong mga sakit na dulot ng dahil sa pabagu-bagong temperatura, bacteria, virus, o minsan pa ay genetic. Kadalasan sa mga sakit sa balat ay madaling mawala. Meron ding permanente na sa ating katawan. Merong mga sakit sa balat na, sa sobrang lubha, ay maaaring magdulot ng kamatayan.

 

Narito ang ilan lamang sa mga karaniwang sakit sa balat na nararanasan ng tao:

  • Tagihawat
    • Ang pimple, acne o tagihawat ay karaniwang nararanasan ng mga dalaga at binata lalo na kung nagkakaroon ng hormonal changes sa katawan. Ang mga adults ay hindi rin ligtas sa tagihawat, lalo na kung sobrang stress o mausok ang kanilang  environment.

undefined

Photo from Pixabay

 

  • Ang bacteriang namumuo sa ating tagihawat ay tinatawag na propionibacterium acnes na naiipon kapag ang iyong pores ay clogged ng oil, dead skin, o dumi tulad ng alikabok o usok. Kapag ang iyong acne ay lumala, ito ay nagiging cyst o ang pagbukol ng tagihawat.
  • An-an
    • Ang an-an o tinea versicolor ay isang fungal infection na dulot ng Malassezia fungi. Kapag nagkakaron ng an-an, ang kulay ng ilang bahagi ng balat ay nagiging mas maitim o mas maputi at nakakaramdam ang tao ng pangangati.
  • Buni
    • Ang buni o sa ingles ay “ringworm” ay dulot ng fungal infection na trichophytum rubrum. Isang nakakahawang impeksyon sa balat, maaaring mamuo ang buni mula ulo hanggang paa.
  • Pantal
    • Ang pantal o rashes naman ay ang pangangati at pamamaga ng balat sa ilang parte ng katawan. Maraming mga uri ng pantal sa balat  at ilan dito ay dulot ng kagat ng insekto. Minsan, sintomas naman ng allergy, reaksyon sa gamot na ininom, o pwede ring kapag nasobrahan sa stress.
  • Hadhad
    • Kilala din ito bilang “jock itch” o tinea cruris. Pangangati ito sa mga singit ng katawan at pangangapal sa balat, lalo na kung kulang ang tao sa personal hygiene.
  • Pigsa
    • Ang boil o mas kilalang “pigsa” ay ang pamamaga, pagbukol ng balat na infected na may kasamang nana. Ang impeksyon na ito ay karaniwang nagmumula sa ugat ng buhok at namamaga sa ilalim ng balat
  • Dry Skin

 

Photo by Nazmi Zaim on Unsplash

  • Sa panahon ngayon na malamig ang hangin, mabilis ding matuyo ang ating balat. Kaya naman ang ating dry skin ay nangangati o nagbabalat. Nagkakaroon tayo ng dry skin kapag tayo ay kulang sa tubig o hindi nakakapag-moisturize

Galis

  • Ang taong may galis ay madalas nangangati hanggang sa nagsusugat na ang kanyang balat. Ang sakit na ito ay madalas sa mga hayop ngunit kung kapag tayo ay nagkaroon ng galis ay maaaring makahawa at maging komplikado ang paggamot kapag hindi agad naagapan.
  • Ang galis, kurikong o scabies ay sakit sa balat na dulot ng “burrowing mite” o surot na naninirahan sa ilalim ng ating balat
  • Alipunga
    • Ang alipunga o athlete’s foot ay tinatawag ding tinea pedis sa medisina. Ito ay isa ring uri ng fungal infection kung saan nangangati ang gitna ng mga daliri ng paa na minsan pa ay nagsusugat at nagkakaroon ng mabahong amoy.
  • Balakubak
    • Ito naman ay ang sobrang paglalangis ng balat kaya natutuklap ang anit sa ulo at nagiging dahilan ng pangangati.

Gamot sa sakit sa balat

Kumonsulta muna sa inyong dermatologist o ang doktor sa balat upang malaman kung ikaw ba ay may allergy o sensitibo sa mga sumusunod na gamot.

  • Tolnaftate
    • Ito ay anti-fungal na gamot na madalas ginagamit upang maiwasang magkafungi o kapag mayroong sakit sa balat dulot ng fungi tulad ng an-an at alipunga (Athlete’s foot)
  • Terbinafine
    • Pinapatigil nito ang pagdami ng fungi at ginagamit upang mawala ang fungal infection sa mga daliri at sa bunbunan. Ito rin ay mabisang pantanggal ng ringworm.
  • Mupirucin
    • Ito naman ay isang antibiotic o panlaban sa bacteriang tulad ng Staphylococcus aureus. Pinipigilan din nito ang muling paglitaw ng bacteria.
  • Anti-irritation

 

May Ritemed ba nito?

undefined

 

Paano gamitin ang Ritemed Calming Relief cream?

  • Ipahid sa saan mang bahagi ng katawan na may pantal o pangangati

Paalala tungkol sa produkto:

  • Ito ay anti-irritant o ginagamit upang hindi mangati. Ito ay anti-oxidant o tumutulong upang makontrol ang pinsala. Ito ay anti-bacterial o nakalilinis ng balat at nagtatanggal ng bacteria.
  • Mayroon itong ingredient na Canadian Willow Herb na nakakatulong sa pamamantal ng mga may sensitibong balat.

 

References:

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-karaniwang-sakit-kapag-malamig-ang-panahon

https://www.ritemed.com.ph/articles/proteksyon-ng-balat-ngayon-tag-araw-

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-calming-relief-cream

https://www.aad.org/public/diseases/color-problems/tinea-versicolor

https://www.pharmacytimes.com/publications/issue/2014/january2014/fungal-skin-infections-management-treatment-and-prevention

https://www.webmd.com/drugs/2/drug-166799/terbinafine-topical/details

https://www.webmd.com/drugs/2/drug-6180/mupirocin-topical/details

https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/tinea-versicolor-cause-symptoms-treatments#1