Tuwing ikalawang linggo ng Nobyembre ay ipinagdiriwang ang National Skin Disease Detection and Prevention Week. Ang balat ang pinakamalaking organ ng katawan kung kaya't importanteng panatilihin itong malusog at walang sakit. Hangad ng proklamasyon na ito na itaas ang health status ng mga Pilipino sa pamamagitan ng early detection at prevention ng iba't - ibang skin diseases.
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Balat
1. Ang balat ang pinakamalaking organ ng katawan. Ito ang bumubuo ng 15 to 16% ng body weight ng tao. Kayang mag-cover ng higit kumulang 2 square meters na area ang balat ng tao.
2. Ang isang average adult ay may 21 square feet na balat na may bigat na 9 lbs at may higit 11 miles na blood vessels.
3. Ang pinaka makapal na balat ay ang balat sa paa samantalang ang pinaka manipis naman ay ang nasa eyelids.
4. Laging nag-tatanggal ng dead cells ang balat. Sa bawat minuto, nasa 30,000 to 40,000 dead cells ang inaalis nito.
5. Every after 28 days, ay nag-reregenerate ng new layer ang balat.
6. Mahigit 1,000 diverse species ng bacteria ang namamahay sa balat ng tao. Ang mga harmless na bacteria na nasa balat ay tumutulong sa immune cells ng katawan na labanan ang mga disease-causing microbes.
7. Ang pagbabago sa balat ay kadalasang senyales ng pagbabago sa overall health ng tao.
Mga Karaniwang Skin Diseases at Gamot Nito
Ang mga sumusunod na skin diseases ay ang mga sakit na karaniwang nararanasan sa Pilipinas lalo na ng mga mahihirap na Pilipino.
1. Athlete's Foot
Isa itong fungal infection na makati, may amoy at flaky na nakakaapekto sa balat sa pagitan ng mga daliri sa paa. Ito ay nakakahawa. Kapag hindi ito nagamot kaagad, maaaring kumalat sa buong paa o kamay. Tinawag itong Athlete's Foot dahil ito ay karaniwang nakukuha ng mga atleta.
Ano ang sanhi nito?
Ang Athlete's Foot ay nakukuha kapag ang tinea fungus ay dumapo sa paa. Ang fungus na ito ay nakukuha kapag may direct contact sa taong may Athlete's Foot, o di kaya kapag may nahawakang bagay na contamindated ng fungus. Ang fungus ay nabuhuhay sa warm at moist environment gaya ng shower, sahig ng locker room o sa paligid ng swimming pools.
Sino ang mga at risk?
Kahit sino ay maaaring magkaroon nito. Mas malaki ang tsansa kung
- madalas naglalakad ng nakapaa sa mga pampublikong lugar gaya ng public locker rooms, showers o swimming pools.
- nakikigamit ng medyas, sapatos o tuwalya sa taong may Athlete's Foot
- nagsusuot ng masikip at closed-toe shoes
- madalas na iwanang basa ang paa
- pawisin ang paa
- mayroon minor skin o nail injury sa paa
Ano ang gamot dito?
Ang Athlete's Foot ay kayang gamutin sa pamamagitan ng mga over-the-counter topical anti-fungal medications. Kung hindi kaya ng mga OTC medicines, maaaring mag-reseta ang doktor ng oras medications.
Paano ito maiiwasan?
- Hugasan ang paa ng malinis na tubig at sabon araw araw.
- Siguraduhing tuyo ang paa bago magsuot ng medyas.
- Panatilihing tuyo at malinis ang mga sapatos.
- Huwag mag-uulit ng medyas.
2. Ringworm Infection
Ito ay pabilog, nagbabalat at makating rash na makikita sa katawan, mukha, braso at legs. Ito ay mapula at lumalaki. Ang infection ay hindi sanhi ng worm kung ng fungus. Hindi lang tao ang maaaring magkaroon nito kundi pati mga hayop.
Ano ang sanhi nito?
Mayroong tatlong klase na maaaring magdulot ng Ringworm Infection. Maaaring makuha ito kapag nagkaroon ng direct contact sa lupa na contaminated ng fungi na ito o di kaya ay contact sa infected na tao o hayop.
Sino ang mga at risk?
Kahit sino ay maaaring magkaroon nito ngunit mas karaniwan ito sa mga bata at mga taong may alagang aso at pusa. Malalaman na may Ringworm Infection ang pusa o aso kung mayroong:
- pabilog na parte ng balat na walang buhok
- may parte ng balat na nagbabalat
- may maputing area sa paligid ng claws
Maaari ding magkaroon nito kung dumapo ang fungi habang basa o may minor skin injury.
Ano ang gamot dito?
Magagamot ang Ringworm Infection sa pamamagitan ng topical medications gaya ng antifungal creams, ointments, gels, o sprays.
Paano ito maiiwasan?
- Iwasang humawak o gumamit ng kahit anong gamit ng taong may Ringworm Infection
- Magpalit ng damit kapag basa na ng pawis
- Maghugas ng kamay pagkatapos humawak ng kahit anong uri ng hayop. Maaaring gumamit ng hand sanitizer.
- Linisan ang living area ng alagang hayop
- Panatilihing malinis at tuyo ang katawan.
Photo from Pexels
3. Scabies o Galis
Isa itong makating skin disease na galing sa maliit na hayop na kung tawagin ay Sarcoptes scabei. Maaaring tumira sa balat ng tao, pusa o aso ang Scabie sa loob ng isang buwan.
Ang galis ay kumakapit sa kamay, siko, kili kili, baywang, wrist, paa at balat sa pagitan ng mga daliri. Tumitira sila sa pagitan ng skin folds, at nagiiwan ng itlog na pagkatapos ng ilang linggo ay magiging mga bagong galis.
Mayroong higit kumulang na 130 million cases ng Scabies sa buong mundo. Malaki ang bilang nito dahil mabilis itong mapasa sa pamamagitan ng direct contact o paggamit ng infested clothing o bedding.
Sino ang mga at risk?
Maaaring magkaroon nito kapag:
- Mayroong skin-to-skin contact sa taong may galis. Maaaring mahawa kahit sa simpleng holding hands o pakikipagtalik.
- Nakikigamit ng damit o tuwalya at nakikitulog sa kama ng taong may galis.
Ano ang gamot dito?
Kadalasang nagrereseta ng ointments, creams at lotions na direktang nilalagay sa balat. Mas mainam na i-apply ito tuwing gabi.
Paano ito maiiwasan?
- Iwasan ang direct skin-to-skin contact sa taong may galis.
- Huwag gumamit ng maduming damit o bedding na ginamit ng taong infected.
- Kung ang bedding ay may Scabie, mainam na labhan ito sa mainit na tubig.
Photo from Pexels
Reference:
http://www.ncda.gov.ph/disability-laws/proclamations/proclamation-no-110/
https://forefrontdermatology.com/skin-fun-facts/
https://www.everydayhealth.com/news/10-amazing-facts-about-skin/
https://www.healthline.com/health/athletes-foot#treatment
https://www.healthline.com/health/ringworm#prevention
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2014/11/20/1393687/gamot-sa-kuto-galis