Skin Care Basics for Oily Skin

August 18, 2021

Ang pagkakaroon ng masebong mukha na may mga pimples ay isa sa dahilan kung bakit nagiging less confident ang tao. Kaya naman naging popular ang mga quick beauty fixes tulad ng paggamit ng facial blotting paper o pagpahid ng face powder para lang mabawasan ang pagkakaroon ng greasy na mukha.

 

 

Ngunit ang pagkakaroon ng oily skin ay natural lamang. Ang oily skin ay isa sa mga skincare types ng tao.  Kapag ikaw ay may oily skin, ang sebaceous glands sa ilalim ng iyong hair follicles ay mas sensitibo at gumagawa ng mas maraming sebum kumpara sa iba.  Ang resulta nito ay oily skin, makintab na mukha at pagkakaroon ng mas malalaking pores. Ang oily skin ay mas madaling tubuan ng pimples, whiteheads at blackheads kumpara sa ibang skin types. 

 

Kung ikaw ay may oily skin, importanteng malaman mo ang wastong skincare routine na naaayon sa iyong skin type.  Ang mga sumusunod na skincare for oily skin tips.  Sundin ang mga ito para mapangalagaan ang iyong oily skin at maiwasan ang skin problems.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/side-view-black-haired-asian-man-1614750040

 

Tamang paghuhugas ng mukha

 

Maghugas ng mukha sa umaga, gabi, at pagkatapos mag ehersisyo.  Habang naghihilamos, iwasan kuskusin ang mukha. Ang pag kuskos ay nakakairita lalo ng balat at magpapalala sa pag secrete ng oil ng balat.

 

Gumamit ng mild, soap-free at alcohol-free face wash. Ang mga matatapang na cleansers ay pwedeng mag trigger sa pagkakaroon ng mas maraming oil sa mukha. Huwag gumamit ng oil-based at alcohol-based na cleansers na mas makaka irritate sa iyong balat. Mas mainam din kung ang gamit mong face wash ay may pH level na kaparehas sa balat. Ang cleanser na may pH 5.5 ay mainam para sa mga may oily skin.

 

Skincare products na pwede sa oily skin

 

Mamili ng mga skincare products na oil-free at non-comedogenic. Mula sa iyong moisturizer, cleansers, at makeup, kailangang oil-free ang iyong gamitin para siguradong walang makakabara sa iyong pores na pwedeng magdulot ng acne.

 

Paggamit ng moisturizer

 

Gumamit ng moisturizer araw-araw. Mahalagang bahagi ng skincare regimen ang pag moisturize ng balat. Ito ang magbibigay ng sapat na hydration sa iyong oily skin. Mahalaga ang pag hydrate ng balat para maiwasan ang mga acne na dulot ng dry skin. Pumili ng moisturizer na may non-comedogenic, lightweight bland formulation tulad ng gel type, water-based, or oil-in-water emulsions. Iwasang gumamit ng mga greasy moisturizing creams na maaaring makadagdag sa pagiging oily ng balat.

 

Paggamit ng sunscreen

 

Mahalaga rin sa skincare for oily skin ang araw-araw na paggamit ng sunscreen na hindi bababa sa SPF 30. Ito ay makakatulong sa pagprotekta ng balat laban sa masamang epekto ng UV rays sa iyong balat. Mas mainam sa oily skin ang paggamit ng spray o gel-based sunscreen.

 

 

Katulad ng ibang skin types, ang oily skin ay nangangailangan ng alagang angkop sa pangangailangan ng balat. Upang maiwasan ang paglaganap ng acne, blackheads, whiteheads, at iba pang skin problems, gumawa ng skincare routine for oily skin at gumamit ng mga produkto na bagay sa iyong skin type.

 

Sources:

https://thefilipinodoctor.com/condition/skin-care

https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-basics/dry/oily-skin

https://www.healthline.com/health/sunscreen-for-oily-skin