Ang ating mga balat ang pinaka-exposed na bahagi ng katawan sa maraming bagay. Dahil riyan, maraming factor sa ating kapaligiran o maging sa ating diet ang maaaring maka-apekto at maka-damage sa ating balat. Palagi nating nababasa na kailangang umiwas sa traffic dahil sa pollution na dulot nito. Totoo nga na ang pollution ay maaaring makasama sa ating balat- nariyan na ang usok at alikabok. Hindi lamang yan ang mga bagay na maaaring mag-resulta sa ating pagkakaroon ng skin disease. Basahin ang article na ito para sa mga dapat nating malaman tungkol sa mga pangkaraniwang skin disease.
Mga Sanhi ng Skin Disease
Marami ang factors na nakakapagdulot ng skin disease sa isang tao. Gaya nga ng nabanggit kanina, kasama na riyan ang pollution at diet. Hindi na maikakaila na ang usok sa kalsada na may kasama pang sari-saring alikabok ay makakasama sa ating mga balat. Subalit kahit na anong iwas sa pollution sa daan ay tila hindi naman natin maaaring iwasan ito ng tuloy sapagkat bahagi na ito ng ating normal na pamumuhay maging tayo ay papunta sa trabaho o di naman kaya ay sa paaralan.
Bukod sa pollution, may mga skin disease rin na maaaring maidulot naman ng ating kinakain. Kadalasan ito ay nagpapakita sa pamamagitan ng allergy. Bukod pa riyan ay isa ring dapat tandaan ang genetics at kakulangan ng proper hygiene sa pagkakaroon ng skin disease.
Mga Common Skin Disease
Narito ang ilan sa mga common skin disease na kinakaharap ng mga Pilipino. Kasama na rin dito ang ilang tips kung paano ito maiiwasan o di naman kaya ay mapagaling:
- Acne
Isang myth na ang mga nagdadalaga at nagbibinata lamang ang nakakaranas ng pagkakaroon ng acne. Ang totoo niyan ay hindi lamang sa tighawat natatapos ang pagkakaroon ng acne. Ang pamumula at pagkakaroon ng maliliit na bukol sa balat, kadalasan sa mukha, ay tinatawag na acne. Ito ay mayroong nana o langis sa loob. Ito ay madalas makita sa clusters sa pisngi.
Maraming factors ang nakakapagdulot ng acne at ilan sa mga pinaka-common ay ang stress. Kaya naman lagi nating nakikita o naririnig sa mga advertisement na nakakapgdulot ng acne ang pagpupuyat. Isa pang factor sa pagkakaroon ng acne ay ang humidity sa kapaligiran.
Proper hygiene gaya ng paghuhugas ng mukha ang isa sa mga pinakamabisang solusyon sa pagpapagaling ng acne. Binabawasan nito ang labis na oil sa mukha na maaaring pamugaran ng mga mikrobyo. Ganunpaman, hindi dapat sobrahan ang paghuhugas ng mukha dahil maaari namang itong magresulta s dryness na siya namang makakapagpalala ng breakouts.
Walang dapat ipag-alala dahil mayroon rin namang medication na nabibili sa drugstores para dito. Isa na dito ang skin wash na mayroong benzoyl-peroxide skin wash.
- Psoriasis
Ayon sa Medical News Today, ang psoriasis ay isang kondisyon ng balat na mula sa autoimmune disorder. Senyales ng psoriases ang namumulang patches sa balat. Ang apektadong bahagi ay kadalasang namumula, scaly, at sobrang makati. Ang tuhod, siko, likod, at scalp ang mga lugar na madalas tubuan ng psoriasis.
Ang kondisyon na ito ay hindi nakakahawa kaya’t walang dapat ikabahala ang sinumang magkaroon nito. Nagagamot ito ngunit maaari itong bumalik sa mga nagkaroon na.
Hindi pa natutukoy ng mga eksperto ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa balat na ito ngunit tinitingnan nila ang immune system ng mga taong nakararanas nito.
Ilan sa mga lunas sa sakit na ito at mabawasan ang symptom ay ang paggamit ng steroid cream, moisturizer, at retinoid creams. - Eczema
Ayon sa 2012 data ng Philstar.com.ph, 15 hanggang 20 percent ng mga kabataang Pilipino ang mayroong eczema samantalang isa hanggang tatlong percent naman ang mayroon sa mga adult. Kahit sino ay pwedeng magkaroon ng kondisyon sa balat na ito.
Maaari itong mapagkamalan bilang ordinaryong rash ngunit ang pinaka-distinction ng eczema laban sa regular na rash ay ang labis na pangangati sa gabi. Dahil diyan maaaring makasira ng tulog ng apektadong pasyente ang pagkakaroon ng eczema. Kasunod ng regular na pagkasira ng tulog ay ang pagiging pagod o bugnutin ng mga pasyente.
Sa ngayon ay hindi pa rin natutukoy ang sanhi ng kondisyon sa balat na ito ngunit lumalabas sa ibang pag-aaral na ang labis na reaction ng immune system sa mga irritants ay isang factor. Kabilang rin sa mga pinag-aaralan ang stress at tuyong climate.
Maraming solusyon para sa eczema at ilan sa mga ito ay ang pagpapahid ng topical steroid cream o moisturizer, pag-inom ng antihistamine, o di naman kaya ay pagsailalim sa phototherapy. Makatutulong rin sa pagbawas ng symptom ng flare-up ang pagbawas ng stress.
- Vitiligo
Ang melanin o pigment ay ang nagbibigay ng kulay sa ating balat. Binubuo ito ng mga tinatawag na melanocytes. Alam niyo ba na mayroong kondisyon sa balat kung saan nagkakaroon ng mga cluster o patches sa balat na may pagbabago ng kulay?
Ang kondisyon na ito ay tinatawag na vitiligo. Ito ay binubuo ng mga puting patch sa balat. Resulta ito ng kawalan ng pigment o melanin sa bahaging iyon ng balat. Kadalasan ay nakikita ito sa mga bahaging exposed sa araw gaya na lamang ng kamay, mukha, paa, at braso.
Ayon sa National Vitiligo Foundation, 0.5 hanggang sa 1 percent ng population ang mayroong vitiligo. Ang kondisyon na ito ay nagagamot ngunit hindi nawawala. Ang mga pasyenteng mayroon nito ay walang anumang mararamdaman sapagkat sa itsura lamang ng balat ito nakakaapekto. Mahalaga ring tandaan na ito ay hindi nakakahawa.
Base sa pag-aaral ng National Institute of Arthritis and Musculoskeletal and Skin Diseases (NIAMS), hindi pa rin natutukoy sa ngayon ang sanhi ng kondisyon na ito. Maaaring isa sa mga kadahilanan ay ang reaksyon ng immune system kung saan aksidenteng napapatay nito ang mga pigment sa katawan.
Ilan lamang ang mga ito sa mga skin disease na pangkaraniwan sa Pilipinas. Pangangati at pamumula ang kadalasang senyales ng mga kondisyon sa balat na ito. Sa unang senyales pa lamang ay makabubuti na agad na kumonsulta sa dermatologist para lubusang masuri ang mga ito at mabigyan ng lunas.
Sources:
- https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/skin-problems-treatments-symptoms-types
- https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/skin-conditions-psoriasis#1
- https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/atopic-dermatitis-eczema#1
- http://www.philstar.com/health-and-family/2012/09/18/850058/eczema-101
- https://www.healthline.com/symptom/vitiligo
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/316622.php
- https://www.menshealth.com/health/11-skin-problems/slide/6