Mga Sakit na Dulot ng Paninigarilyo

May 30, 2017

Paninigarilyo sa Pilipinas

Ang paninigarilyo ay matagal ng problema ng iba't ibang mga bansa. Sa panahon ngayon, hindi malabo na makita natin na pati ang mga bata at mga teenager ay naninigarilyo. Ang tobacco ang isa sa mga nangungunang risk factor ng mga sakit na hindi nakakahawa na nagiging sanhi ng pagkamatay ng sampung Pilipino bawat oras. Ayon sa survey na ginawa ng Global Youth Tobacco Survey noong 2015, 12% ng mga estudyanteng na may edad 13 hanggang 15 ay naninigarilyo na. Tatlo sa sampung Pinoy adults ay smokers.

Ang paninigarilyo ay maraming masamang dulot sa katawan, kaya’t importanteng bawasan o tuluyan ng iwasan ito. Importante din na pigilan ang mga kabataan na subukan ito. Ang pinakamagandang magagawa natin sa problemang ito ay edukasyon at suporta sa mga taong nalulunong sa sigarilyo.

 

Mga Sakit na Dulot ng Paninigarilyo

Ang sumusunod ay ilan sa mga sakit at kondisyon na nadudulot ng paninigarilyo.

1. COPD

Ang COPD o chronic obstructive pulmonary disease ay isang karamdaman kung saan ang pasyente ay nahihirapang huminga. Ang taong may COPD ay kadalasang maagang namamatay.  Habang tumatagal, mas nahihirapan ang pasyente huminga, at umaabot pa sa pagkakataon kung saan kahit ang pagakyat ng hagdan ay hindi na magagawa ng pasyente. Dalawang karamdaman ang kabilang sa COPD.

  1. Emphysema

Ang sakit na ito ay unti-unting sinisira ang air sacs ng baga. Ang pasyente ay may progresibong hirap ng paghinga.

       b) Chronic Bronchitis

Ang sakit na ito ay ang pamamaga ng bronchial tubes, at pagdami ng plema.

 

2. Asthma

Magandang ideya para sa mga taong may hika na umiwas sa paninigarilyo dahil maaari nitong mapalala at mapadalalas ang atake ng sakit na ito.

3. Cancer

Ang pinaka karaniwang uri ng cancer na nadudulot ng paninigarilyo ay ang lung cancer o kanser sa baga. Ayon sa mga pag-aaral, ang paninigarilyo ay nakakapagdulot din ng cancer sa iba't ibang bahagi ng katawan, kasama na dito ang cancer sa bato, sa atay at sikmura (stomach cancer)

4. Nakaaapekto ito sa reproductive system

Ang mga lalaki at babaeng naninigarilyo ay maaring mahirapang makabuo ng bata. Maari ding maapektuhan ang kalusugan ng bata kapag ang kanyang ina ay naninigarilyo habang siya ay nasa sinapupunan nito.

 

Tips Para Tumigil sa Paninigarilyo

undefined

Ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang mga sakit na ito ay ang pagtigil sa paninigarilyo. Narito ang ilang mga tips na makakatulong sa pagiwas sa paninigarilyo.

1. Maghanap ng magandang dahilan.

Hindi madaling tumigil sa paninigarilyo, kaya lahat ng nagnanais na tumigil ay kailangan ng inspirasyon upang makapagsimula. Para sa iba, tumitigil sila para sila ay makapagpakita ng magandang halimbawa para sa kanilang mga anak.

2. Maghanap ng magandang libangan.
Magandang ideya na maghanap ng bagay na pagkakaabalahan bukod sa trabaho. Kapag ikaw ay parating marami ang ginagawa, hindi mo na masyado maiisip na manigarilyo.

3. Umiwas sa stress.

Kadalasan ang mga taong natigil sa paninigarilyo ay bumabalik sa pag gamit nito dahil sa pagod at stress. Upang mabawasan ang stress, magandang ideya  na gumawa ng ibang bagay na makakapagparelax sa iyo.

4. Page-ehersisyo

Malaking tulong ang maibibigay ng ehersisyo sa isang taong gustong tumigil sa paninigarilyo. Habang ikaw ay nageehersisyo, mawawala sa isip mo ang paninigarilyo. At kapag ikaw ay nanigarilyo, mararamdaman mo kaagad ang epekto nito sa iyong stamina. Malaki din ang naitutulong ng ehersisyo sa pagbawas ng stress.

undefined

5. Maghanap ng mga kaibigan na maaaring maging mabuting impluwensya sa iyo.

Malaki ang maitutulong sayo ng mga taong naranasan na ang hirap ng pagtigil sa paninigarilyo. Mabibigyan ka nila ng mga karagdagang impormasyon na makakatulong sa iyo at maari ka nilang bigyan ng suporta kapag ikaw ay nanghihina at napapaisip na manigarilyo uli.
 

Sources:

  • www.webmd.com/smoking-cessation/ss/slideshow-13-best-quit-smoking-tips-ever
  • https://www.cdc.gov/tobacco/data_statistics/fact_sheets/health_effects/effects_cig_smoking/
  • http://www.wpro.who.int/philippines/mediacentre/releases/20160530-phl-wntd2016/en/