Naranasan mo na bang gumising nang may hindi may hindi komportableng pakiramdam sa leeg? Hindi ito maigalaw at mailingon sa ibang direksyon. Bukod rito, pwedeng nakakaramdam din ng sakit sa bandang balikat, ulo, at minsan ay pati sa mga braso at kamay. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na stiff neck.
Ang stiff neck ay pamamaga at muscle strain sa leeg. Hindi maitatanggi na kapag nagkaroon nito, buong katawan ay naaapektuhan din. Ating alamin sa mga ang mga kadalasang sanhi ng stiff neck at tips upang maiwasan ang pagkakaroon nito.
Mga Sanhi ng Stiff Neck
Sa modernong panahon, malaking porsyento ng mga mamamayan ang nagtatrabaho kaharap ng computers. Ang mga kabataan naman ay naglalaan ng higit sa kalahating araw sa social media sites. May mabuting naidudulot ang activities na ito ngunit ang ilang oras na hindi paggalaw ng leeg habang gumagamit ng computer at matagal na pagyuko habang gumagamit ng cellphone ay nagiging sanhi ng pananakit at pagkapagod ng leeg.
Ang leeg ang tanging parte ng katawan na sumusuporta sa ulo ng isang tao. Dito rin matatagpuan ang nerves na kumokonekta sa balikat at braso. Kaya kung matagal itong hindi naigagalaw nang maayos, malaki ang posibilidad na magkaroon ng muscle strain sa leeg at sa soft tissues nito.
Isa rin sa mga madalas na dahilan ang posisyon ng pagtulog. Dahil may pagkaselan ang leeg, importante ang taas at lambot ng unan na ginagamit. Kapag ito ay hindi angkop sa sukat ng espasyo sa pagitan ng ulo at leeg, napipilitan ang muscles na mag-adjust. Dito nagkakaroon ng soreness o pamamaga ng leeg.
Mga dahilan din ng stiff neck ang sports injuries, paglangoy, maling posisyon ng pag-upo, anxiety at stress na nagdudulot ng pressure sa leeg at batok, at pag-iiba ng posisyon ng leeg dahil sa activity tulad ng paglingon sa iisang direksyon sa matagal na oras.
May mga seryosong dahilan din kung bakit nakakaranas ng stiff neck ang isang tao. Dahil konektado ang spine sa leeg, maaring kaugnay ito sa pagkakaroon ng cervical herniated disc, osteoarthritis, at iba pang sakit na may kinalaman sa paghina ng buto sa spine.
Tips Para Maibsan ang Stiff Neck
Anuman ang dahilan, kapag nakaramdam ng stiff neck, hindi kinakailangang maghinntay lamang kung kalian ito gagaling. Maraming stiff neck remedy na maaari nating gawin upang magkaroon agad maginhawaan. Narito ang anim na hakbang upang makaranas kaagad ng kagalingan:
- Paglalagay ng hot o cold compress sa masakit na parte ng leeg. Kapag nakaramdam ng pamamaga ng muscles sa leeg, mainam na kumuha ng hot or cold compress upang magkaroon ng stiff neck relief. Mababawasan nito ang pamamaga at sakit dahil natutulungan nito ang dugo na dumaloy nang maayos sa leeg, balikat, at maging sa ulo.
- Mabagal at bahagyang pag-uunat. Dahil lalong makakadagdag sa sakit ang mabilisang paggalaw ng leeg, maaaring subukan ang mabagal at bahagyang pagkilos ng balikat, leeg, at ulo. Ang unti-unting paggalaw ay nakakatulong upang maiunat nang dahan-dahan ang neck muscles at maikalat ang pressure na nakatipon lamang sa iisang lugar. Iwasan ang biglaang galaw dahil imbis na makatulong ay makakadagdag pa ito ng sakit.
- Dahan-dahang pagmasahe. Ang pagmamasahe sa bandang ulo, leeg, at balikat ay makakatulong upang mapadaloy nang husto ang dugo at maikalat ang pressure. Ngunit hindi lang kung sinu-sino ang maaaring magmasahe sa mga delikadong parte ng katawan tulad ng leeg. Humingi ng tulong sa isang trained practitioner upang maisagawa nang maayos ang ligtas ang pagmamasahe.
- Acupuncture at chiropractic care. Ang acupuncture ay ang proseso ng paggamit ng karayom sa partikular na pressure points ng katawan. Hindi ito basta-basta ginagawa nang hindi nakatitiyak na trained at certified ang magsasagawa ng prosesong ito. Sa kabilang banda, maaari ring sumangguni sa lisensyadong chiropractor dahil mayroon silang sapat na kaalaman kung papaano isasaayos ang mga muscles at joints ng katawan na nakakaranas ng sakit.
- Iwasan ang mabibigat at komplikadong mga gawain. Habang may stiff neck ang isang tao, limitado lamang ang maari niyang gawing activities. Iwasan ang mga gawaing nangangailangan ng pagkilos sa maraming direksyon tulad ng pagkukumpuni ng mga gamit sa bahay, pagbubuhat ng mabibigat, maging ang pagbubuhat ng mga bata. Hindi rin makakatulong ang pagsasayaw at paglalakad nang malayo.
- Pag-inom ng gamot. Ang pag-inom ng gamot tulad ng Ibuprofen ay nakakatulong upang maibsan ang sakit at pamamaga ng stiff neck. Ang RiteMED Paramax ay mabisang stiff neck remedy dahil ito ay may pinaghalong ibuprofen – 325 mg - at paracetamol – 200 mg. Bukod sa stiff neck at neck pains, naiibsan din nito ang sakit at pamamaga sa ibang parte ng katawan tulad ng balikat at ulo na madalas ay konektado sa iniindang sakit sa leeg.
Hindi kailangang patagalin ang stiff neck. Sa pagsunod sa mga nasabing stiff neck remedy, makakaramdam agad tayo ng ginhawa at paggaling.
Paano iiwasan ang stiff neck?
Mainam na madagdagan ang ating kaalaman kung papaano iiwasan ang pananakit ng leeg. Narito ang ilang mga hakbang na pwede nating idagdag sa pang araw-araw na routine para mapanatili ang kalusugan ng leeg, ulo, at balikat.
- Limitahan ang paggamit ng cellphones at gumamit ng earphones kapag may kakausapin nang matagal.
- Huwag gumamit ng cellphone habang nakapwesto ito sa pagitan ng ulo at leeg.
- Siguraduhing eye-level ang computer upang hindi mangawit ang leeg sa pagyuko o pag-angat ng ulo.
- Iwasan ang pagmamaneho ng sasakyan nang matagal na oras.
- Ipahinga ang leeg matapos ang activities tulad ng swimming at dancing.
- Ugaliin ang pag-uunat. Nakakatulong ito para mapanatili ang magandang daloy ng dugo.
- Pumili ng unan na angkop sa ulo at leeg dahil makatutulong itong maingatan ang neck muscles.
- Mag warm-up at cool-down bago at matapos ang pag-eehersisyo. Makatutulong ito upang makondisyon ang muscles.
- Gumamit ng neck pillow sa mahahabang byahe upang hindi mapagod ang muscles ng leeg kapag matutulog nang nakaupo.
Kung ang nararamdamang sakit sa leeg, balikat, at ulo ay hindi pa rin nawawala matapos gawin ang mga naitalang hakbang para malunasan ang stiff neck, makabubuti ang pagbisita sa doktor para makahingi ng rekomendasyon at tamang diagnosis sa kung ano talaga ang ugat ng nararamdamang sakit sa leeg at katawan.
Sources:
https://www.spine-health.com/conditions/neck-pain/stiff-neck-causes-symptoms-and-treatment
https://health.clevelandclinic.org/do-you-have-a-stiff-neck-try-these-simple-remedies/
https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-a-stiff-neck#treatment-and-remedies