Mahirap balewalain ang stomach pain dahil madalas itong nakaaabala sa ating mga pang-araw araw na mga gawain. Karaniwan tayong hindi mapakali at nababalisa sa tuwing nagkakaroon nito, kaya dapat nating malaman ang mga sanhi at mga uri ng stomach ache upang makaiwas at mabigyan ng wastong lunas ang mga ito.
Kabilang sa mga uri ng stomach pain na dapat pagtuunang-pansin ay ang hyperacidity, diarrhea, dyspepsia, abdominal cramps, at food poisoning dahil sila ay pangkaraniwan. Kung tila hindi napapawi ang pananakit, kumonsulta sa doktor dahil baka mas malubha ang pinagdudulutan ng iyong karamdaman. Ating talakayin ang mga klase ng stomach ache.
Stomach cramps
Mangilan-ngilang mga implamasyon at karamdaman ang nakaapekto sa ating mga organs sa tiyan na madalas nagiging dahilan ng stomach cramps. Pangkaraniwan na nagdudulot ng abdominal pain ay ang dysmenorrhea pati mga viral, bacterial o parasitic infections na nakukuha sa mga marurumi o sirang pagkain na mas kilala sa tawag na food poisoning. Dahil dito ay namamaga, humihilab, o di kaya’y nagkukulang o nawawalan ng supply ng dugo ang ilang organs sa ating katawan. Maaari ring ang intestinal muscles ay magkaroon ng abnormal contractions nang dahil dito. Magkaroon ng healthy diet upang makaiwas dito.
Image from Unsplash
Kung ikaw ay nakararanas ng sakit sa kaliwang bahagi ng tiyan lalo na sa may bandang ibaba, maaaring ito ay dahil sa dyspepsia o kabag. Nangyayari ito dahil sa paglunok ng masyadong maraming hangin, labis na pag-kain, paninigarilyo, matagal na pagnguya ng chewing gum, hindi tamang pagtunaw sa pagkain, o pagkakaroon ng bacteria sa colon.
Maiiwasan ang kabag sa pag-iwas sa pagkain ng fast food. Ugaliin ding nguyaing mabuti ang pagkain o kumain nang mas mabagal upang matunaw nang mabuti ng katawan ang pagkain. Makakatulong rin ang pag-iwas sa mga pagkain na nagdudulot ng gas gaya ng beans, broccoli, at cauliflower. Nakakabuti naman kumain ng yogurt at uminom ng salabat.
Kung ang sakit naman ay nararamdaman sa bandang itaas na parte ng tiyan, ito ay kadalasang dahil sa hyperacidity. Sa kondisyong ito, nasosobrahan ang produksyon ng acid ng tiyan, na nagdudulot ng pananakit. Kabilang sa mga sanhi ng labis na produksyon ng acid ay ang sobrang pag-inom, paninigarilyo, sobrang konsumo sa mga maaanghang, mamantika o piniritong pagkain, hindi pag-kain sa tamang oras, at stress.
Maaring iwasan ang hyperacidity kung babawasan ang pagkain ng mga maanghang, mamantika, at maaasim na pagkain. Iwasan din ang mga bisyo dahil nakakaapekto ang mga ito sa mga proseso ng digestive system.
Image from Pexels
Kung ang kanang bahagi naman ng tiyan ang sumasakit, kalimitan itong dulot ng diarrhea. Madalas ay nararanasan ito nang panandalian. Gaya ng hyperacidity, nakakaapekto din ang stress sa pagkakaroon nito, kasama rin ang mga pagbabago sa pagkain at lubos na pag-inom ng alak. Gayunpaman, ang pinakakaraniwang nagdudulot nito ay food poisoning. Dahil dito ay nakararamdam ng abdominal pain at dumadalas ang pagdumi.
Tulad ng lahat ng sakit ay maiiwasan ang diarrhea sa pagkakaroon ng balanse at masustansiyang diet. Limitahan din ang alak, maaanghang, at matatabang pagkain. Lubos na makatutulong din ang paghuhugas ng kamay bago kumain nang maiwasan ang bacterial infection na nagdudulot din ng diarrhea.
Kung makaranas ng pain in left side of stomach at hindi ito dahil sa kabag o dyspepsia, magpatingin ka sa doktor dahil ang ilang sanhi nito ay malubha tulad ng kidney infecton, Crohn’s disease, cancer, appendicitis, heart attack, at enlarged spleen. Ang maagang treatment sa mga ito ang susi sa paggaling.