Walang taong ‘di nakakaranas ng stress. Kadalasang mapapansin ang signs nito kapag nagdidisiplina ng mga anak, sobrang busy sa opisina, nagbabalanse ng budget at finances, o kapag emotional. May benefits din naman ang stress dahil nakatutulong ito sa ating personal development at decision-making skills. Sa kabilang dako, ang labis na stress ay maaaring magdulot ng negative effects mentally at physically. Upang maiwasan ang negatibong epekto ng stress, ang unang hakbang ay ang alamin ang symptoms nito.
Ano nga ba ang Stress?
Ang term na stress ay ang automatic na tugon natin sa iba't ibang threats or challenges na nararanasan natin sa araw-araw. Tuwing may nararamdamang threat sa ating paligid, naglalabas ang katawan ng cortisol—ang stress hormones na dumadaloy sa iba't ibang targeted body parts. Ang hormones na ito ay nagdudulot ng physiological, psychological, at emotional change tulad ng pagbilis ng heart rate, pagtaas ng blood pressure, paninigas ng mga muscles, at pagbilis ng paghinga. Natural stress response ito ng katawan upang tulungan tayong tukuyin kung haharapin ba o iiwasan ang nakaambang panganib o stressors, kaya ito tinawag na fight or flight.
How do you know that you are stressed?
Maaaring maapektuhan ng stress ang mga aspeto ng ating buhay tulad ng emotions, pag-iisip, physical health, at behavior. At dahil iba't iba ang pananaw at kapasidad natin sa pagtugon sa stress, iba't-iba rin ang physical symptoms nito depende sa tao. Ilan sa mga ito ang:
Photo from Pixabay
Behavioral symptoms:
- Kawalan ng ganang kumain;
- Overeating;
- Pag-iwas sa responsibilidad; at
- Pagkalulong sa bisyo.
Cognitive symptoms:
- Palagiang pagkabahala;
- Pagiging makakalimutin at disorganized;
- Kawalang ng focus;
- Poor judgment; at
- Pagiging negatibo sa lahat ng bagay.
Emotional symptoms:
- Pagkabalisa at pagiging moody;
- Laging hindi mapakali;
- Low self-esteem na epekto ng pagkalungkot; at
- Pag-iwas sa tao.
Physical symptoms:
- Pagsakit ng ulo;
- Low energy;
- Pananakit ng katawan o pagkakaroon ng tensed muscles;
- Pananakit ng dibdib at pagbilis ng heartbeat;
- Insomia;
- Pagkanerbyos na may kaakibat na panginginig at pagpapawis ng mga kamay at paa;
- Upset stomach; at
- Madalas na pagkakaroon ng sipon at infections.
Mga Pinsalang Dulot ng Chronic Stress
Ang chronic stress ay maaaring magdulot ng mas malulubhang health problems tulad ng mga sumusunod:
- Eating disorders at obesity;
- Hair at skin problems;
- Gastrointestinal problems;
- Problema sa pag-iisip; at
- Cardiovascular diseases.
Physical Stress
Kapag labis na nag-aalala, naglalabas ng stress hormones ang katawan na nakatutulong sa pagtugon nito sa anumang sanhi ng stress. Kung nasa normal na frequency lang ang mga sanhi, madaling nakaka-recover ang katawan sa changes dulot ng stress response. Nagiging pansamantala lamang ang muscle tension at hindi pa ito maituturing na kabaha-bahala. Ang stress hormones ay stimulants, kaya’t kapag masyadong madalas ang stress responses, nagiging hyperstimulated ang katawan. Maaari itong magdulot ng physical stress dahil palaging tensed at naninigas ang muscles.
Mental Stress
- Anxiety - Ang sobrang stress ay maaaring mauwi sa anxiety o ang mental condition kung saan ang tao ay nakakaramdam ng labis na pagkabahala at pagkatakot. Isa itong mental stress na may kaakibat na mga epekto sa pisikal na pangangatawan. Ilan sa mga anxiety symptoms ang nausea, pagiging hirap sa pagtulog at sa concentration, pagkairita, at panginginig.
- Panic attacks - Ang mental stress na ito ay hindi nalalayo sa anxiety, kung saan ang labis na pagkatakot ay nagkakaroon din ng epekto sa katawan tulad ng mabilis na heartbeat, pananakit ng dibdib, sakit ng ulo, pagkahilo, hyperventilation, kakapusan ng hininga, at hot flashes.
- Depression - Ang chronic mental stress ay maaari ring mauwi sa depression. Ilan lamang sa signs ng depression ang labis na pagkalungkot, restlessness, biglaang pagbigat o paggaan ng timbang, panghihina, pagkahapo, pagiging iritable, at pagkakaroon ng suicidal thoughts. Hindi ito dapat ipagsawalang-bahala.
Ano ang Maaaring Gawin Upang Maiwasan ang Depression?
Walang siguradong paraan upang maiwasan ang depression ngunit ito ang mga bagay na iminu-mungkahing gawin:
- Iwasan ang mga bagay na maaaring makapagdulot ng matinding stress.
- Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay at panatilihin ang naaayon na pagpapahalaga sa sarili (self worth).
- Alagaan ang kalugusan sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, pahinga, at ehersisyo.
- Kumonsulta sa espesyalista kung kinakailangan.
Mga Tips Para Labanan ang Depression
Madaling labanan ang depression. Naitatayang 70% ng kaso ng depression ang napagagaling. Makipagtulungan sa espesyalista, gawin ang iyong bahagi at tandaan:
- Maging matiyaga kahit hindi agad pansin ang bisa ng gamutan. Huwag mawalan ng pag-asa. Normal na umaabot ng mula apat hanggang anim na linggo bago maging kapansin-pansin ang epekto ng paggagamot sa depression.
- Inumin ang iniresetang gamot ayon sa mungkahi ng espesyalista. Inumin ang gamot sa takdang oras at huwag itong itigil hangga’t walang pahintulot ng manggagamot.
- Unti-unting baguhin ang lifestyle. Kumain ng masusustansiyang pagkain at lumayo sa masamang bisyo.
Weight gain due to stress
Kadalasan, nadadagdagan ang timbang kapag mayroong pinagdadaaang problema sa buhay. Maaaring maging kapansin-pansin ang pagsikip ng mga damit mo dahil sa bahagyang paglaki ng mid-section ng katawan. Stress ang isa sa mga salarin ng labis na pagdagdag ng timbang. Minsan naman ay nawawalan ng ganang kumain dahil sa stress, pero habang tumatagal, nagiging kabaligtaran na ang resulta—lalo lang ginaganahang kumain.
Marami ang napapalakas kumain kapag nakakaranas ng emotional at mental challenges. Overeating ang isa sa mga fight or flight response natin kaya’t tumataas ang case ng weight gain due to stress. Tuwing stressed, inaakala ng katawan na nasisimot ang calories nito dahil sa stress kaya't ang natural na solution ay palitan ito. Ito ang dahilan kung bakit pakiramdam natin ay kailangan nating kumain nang kumain. Dahil dito, nadodoble pa ang pagkonsumo ng calories - dahilan kung bakit nadadagdagan ang ating timbang.
Bukod pa dito, ang cortisol o ang hormone na inilalabas ng katawan sa bloodstream kapag stressed ay nagdudulot ng mataas na level ng insulin. Kapag tumataas ang level ng insulin, bumababa naman ang sugar sa ating katawan kaya't hinahanap ng ating panlasa ang pagkaing mataas sa sugar at fats tulad ng cakes, chocolates, fries, at fast-food.
5 Tips to Reduce Stress
Photo from Pexels
- Ugaliin ang wasto at regular na ehersisyo. Nakatutulong ito upang maging relaxed at mapalakas ang katawan at isipan. Sa kabilang dako, ang labis na ehersisyo ay maaari ring magdulot ng pagtaas ng cortisol level sa katawan. Ilan sa mga relaxing exercises ang mga sumusunod:
- Brisk walking;
- Breathing exercises;
- Swimming;
- Yoga; at
- Zumba.
- Hingin ang suporta ng pamilya at mga kaibigan. Nakabubuti ang madalas na pakikipag-usap upang mailabas ang itinatagong emotions dala ng pinagdadaanan sa buhay.
- Panatilihing husto ang tulog at pahinga. Upang ma-recharge ang katawan mula sa tension, pagod, at labis na pressure, siguraduhing mayroong sapat na tulog at oras ng pagre-relax.
- Inuman ng pain relief medicine ang iba’t ibang pananakit dulot ng stress. Ang over-the-counter body pain products tulad ng RiteMED Mefenamic acid, Paramax, at Paracetamol ay makatutulong upang mawala ang iba’t ibang uri ng body pains dala ng physical stress.
- Kumonsulta sa espesyalista. Kung nararanasan ang mga nabanggit na symptoms ng mental stress, huwag itong ipagwalang-bahala. Agad na kumonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na treatment para sa iyong health condition.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/stress-management/about/pac-20384898
https://www.webmd.com/diet/features/stress-weight-gain#1
https://www.webmd.com/balance/stress-management/stress-symptoms-effects_of-stress-on-the-body#1
https://www.webmd.com/balance/stress-management/stress-symptoms-effects_of-stress-on-the-body#2
https://www.webmd.com/depression/guide/treatment-tips
https://www.webmd.com/depression/understanding-depression-prevention#1