Stress Management: Araw-araw na Gabay para Maiwasan ang Stress

October 29, 2018

Maraming pinagkakaabalahan araw-araw ang isang tao. Nandyan na ang pag-aasikaso sa pamilya at sa sarili, pag-aaral, pagtatrabaho, relationships, at iba pang activities na pinagkukunan natin ng saya, entertainment, at focus para magpatuloy sa buhay. Hadlang sa mga ito ang stress o ang pakiramdam ng pagiging overloaded sa mga bagay na maaaring maging threat o challenge sa pamumuhay.

 

Bakit tayo nase-stress?

 

Ang stress ay isang situation na nakakapag-trigger ng partikular na response mula sa atin. Kapag naramdaman natin na mayroong isang malaking hamon na paparating, nagkakaroon ng chemical at hormonal surge sa buong katawan. Dito nagdedesisyon ang katawan kung haharapin ang stressors o causes of stress o tatakbuhan ito.

 

Kadalasan, ginagamit natin ang salitang stress para masabi na isang masamang sitwasyon ang ating kinakaharap. Sa kabilang dako, hindi laging masama ang pagiging stressed, Sa katunayan, ito ang dahilan para maka-survive sa oras na may aksidente. Nakakatulong din ito para makatapos ng isang gawain na may deadline, mapanatiling gumagana ang isip kapag maraming iniintindi, at pagse-set ng priorities.

Anu-ano ang mga sintomas ng stress?

 

Nakakasama ang labis na negative stress para sa mental, emotional, at maging physical well-being ng isang tao, lalo na kung nararansan ito ilang beses sa loob ng isang araw. Ilan sa mga signs of stress ang:

 

  • Pagkabugnot at pagiging moody;
  • Pagiging hirap sa pag-relax ng isip;
  • Pagbaba ng self-esteem;
  • Pagkaramdam ng labis na pagkalungkot at depression;
  • Pagbaba ng energy;
  • Sakit ng ulo;
  • Sakit ng tiyan;
  • Pagsakit o pamamaga ng muscles;
  • Chest pain at mabilis na tibok ng puso;
  • Insomnia;
  • Panginginig;
  • Labis na pag-aalala;
  • Pagkalimot; at
  • Pagkakaroon ng negative outlook sa mga pangyayari sa buhay.

 

 

Ano ang stressors?

 

undefined

Photo from Pixabay

 

 

Ang stressors ay ang causes of stress na nakakapag-trigger ng mga sintomas at epekto nito. Mabuting malaman kung ano ang stressors ng isang tao para maagapan ang negative stress. Ilan sa mga halimbawa nito ang:

 

  • Problema sa relationships;
  • Labis na pagtatrabaho, kakulangan sa pahinga dahil sa trabaho, at pagiging insecure sa kalidad ng trabaho;
  • Paglaki ng mga obligasyon sa pera;
  • Pagkakasakit;
  • Emotional problems gaya ng depression, anxiety, anger, at guilt;
  • Pangyayari sa buhay na nakaka-trauma gaya ng aksidente, violence, sakuna, o kamatayan;
  • Takot at uncertainty sa mga bagay na wala sa iyong kontrol;
  • Pananaw ng ibang tao;
  • Malaking pagbabago sa buhay gaya ng paglipat ng bahay, kawalan ng trabaho, pag-iiba ng lifestyle, o pag-aasawa.

 

Iba’t iba man ang causes of stress sa bawat tao, may mga paraan na pwedeng gawin ng kahit sino para mabawasan ang mga epekto nito sa pang araw-araw na buhay. Alamin dito mga simpleng paraan tungo sa stress relief.

 

How to deal with stress?

 

  1. Magkaroon ng healthy diet.

 

Hindi lamang laban ng pag-iisip ang stress. Kinakailangan ng malusog at malakas na katawan para hindi matalo ng mga stressors. Ang pagkakaroon ng healthy, balanced diet na sagana sa prutas at gulay ay makakatulong para mapanatiling normal ang functions ng immune system sa oras na maranasan ang stress. Kapag mahina ang resistensya, dadagdag pa ang pagkakasakit sa kinakaharap na causes of stress. Siguraduhin na ang kinakain araw-araw ay nakakapagpakumpleto ng nutrients na kailangan ng katawan. Maaari ring uminom ng Vitamin C o ascorbic acid supplements para mapunan ang tamang levels na kailangan ng immune system.

 

  1. Maglaan ng regular na schedule para mag-exercise.

 

Marami nang pag-aaral ang nagsasabing isa sa pinakamabisang paraan para sa stress relief ang exercise. Nai-improve nito ang physical at mental well-being ng isang tao. Nagiging outlet din ito para saglit na maialis ang isip sa mga stressors, dahilan para mas maging malinaw at maayos ang pagpaplano kung paano haharapin ang stress na pinagdadaanan.

 

  1. Kausapin ang mga mahal sa buhay.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Hindi paraan ng coping with stress ang pagsasarili ng mga problemang pinagdadaanan. Lumalala lamang ang stress kapag sinusubukan itong labanan mag-isa. Subukang mag-open up sa kapamilya at malalapit na kaibigan. Hindi man sila ang makakapagbigay-solusyon para sa iyong stressor, nakakagaan naman ng loob ang pagre-release ng mga saloobin at idea sa ibang tao. Nakaka-comfort din na mabigyang-atensyon at nakaka-encourage na magpatuloy kapag may support system.

 

  1. Tanggapin ang katotohanan na maaari kang makaranas ng stress.

 

Ang isang tao ay maaaring maging in denial na siya ay nakakaranas ng stress. Dahil dito, hindi niya napapansin ang signs of stress maging ang mga epekto nito sa kanyang kalusugan, relationships, at buhay. Oras na ma-acknowledge ang stress, nagkakaroon ng panahon ang isang tao na gumawa ng mga hakbang para malabanan ito.

 

  1. Magkaroon ng “me time.”

 

Magkaiba ang paglalaan ng oras para sa sarili sa pagpili na maging mag-isa sa panahon ng stress. Ang quality time para sa sarili ay isang way para mag-destress. Gamit ang oras na ito, maaaring mag-relax at magkaroon ng sapat na pahinga, gawin ang hobbies o mga activity na hilig, breathing exercises o meditation, manalangin, mag-enjoy, at mag-isip nang walang pressure.

 

  1. Magpahinga.

 

Ang pagiging overwhelmed o ang pakiramdam ng kalabisan ng isang bagay o pangyayari ang isa sa mga pinaka-common na causes of stress. Dahil dito, inirerekomenda ang pagkakaroon ng sapat na pahinga para magkaroon ng break mula sa malalaking responsibilidad na kinakaharap. Mahalaga ito hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi pati na rin sa mental health. Kapag kulang sa tulog at relaxation ang isang tao, nahihirapan siyang mag-function nang maayos. Makipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay at sa mga taong maaaring maapektuhan ng pansamantalang pagtigil para mag-slow down. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng pagkakaintindihan at maaayos din ang magiging pagbalik sa normal na routine.

 

Araw-araw nakakaranas ng stress, kaya naman dapat ay araw-araw din ang pagsasagawa ng stress management techniques na ito. Kung tila labis na ang stress levels na hindi na nakakatulong ang kahit anong stress relief activities, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor para matukoy kung ano ang pinagmumulan ng labis na pag-aalala. Tandaan na mas madaling malagpasan ang stress at mga epekto nito kung may kasama sa pagsugpo nito.

 

Sources:

 

https://www.webmd.com/balance/stress-management/stress-symptoms-effects_of-stress-on-the-body#2

https://www.medicalnewstoday.com/articles/145855.php

https://www.healthline.com/health/stress#management

https://www.webmd.com/balance/guide/causes-of-stress#1