10 bagay na dapat dalhin sa iyong summer vacation

June 19, 2019

Bakasyon na naman ngayong tag-init at pinaka-aabangan ito ng bawat pamilya, lalong-lalo na ng mga chikiting, para makapagbonding at makapaglibang.Para sa mga may balak magbakasyon sa ibang bansa o kahit sa probinsiya, mahalagang nakahanda na ang mga gamit ilang araw bago bumiyahe.

Anu-ano nga ba ang mga dapat dalhin sa iyong summer vacation?

  1. Sunblock o sunscreen

Sa panahon ng tag-init, palaging magdala ng sunblock o sunscreen. Ang pamahid na ito ay mainam na proteksyon sa sobrang ultraviolet radiation na dala ng araw. Gamitin ito ng madalas para maiwasan ng mga sakit sa balat gaya ng skin cancer.

  1. Mga komportableng damit

Magsuot ng damit na komportable ang tela gaya ng cotton. Nakatutulong ito upang ma-absorb ang pawis at para maiwasan ang malagkit na pakiramdam sa balat. Huwag kalilimutang magbaon ng extrang damit o pamalit para sa bawat miyembro ng pamilya.

  1. Sapat na bottled water

Sa panahon ng tag-init, madali tayong magpawis at mauhaw. Kaya laging magbaon ng tubig. Mainam rin ito na panlaban sa heat stroke at heat exhaustion na maaaring maging sanhi ng panghihina at kawalan ng malay.

  1. Tsinelas o Sandals

Ang pagsuot ng tamang klase ng footwear ay mahalaga upang makaiwas din sa mga sakit gaya ng athlete’s foot o alipunga na nakukuha kapag labis na nagpapawis ang mga paa.

  1. Sun glasses

Katulad ng paggamit ng sunblock upang maprotektahan ang balat sa ultra-violet radiation, ang sun glasses ay nagsisilbing proteksyon sa ating mga mata sa matinding sikat ng araw.

  1. Payong o sumbrero

Ang payong ay nagsisilbing pang-anino para hindi tayo maarawan at para maprotektahan sa UV rays. Kung wala ka namang payong, mabuting gumamit din ng sumbrero pangprotekta ng iyong mukha at para rin maiwasan ang panunuyo o pagkasira ng iyong buhok.

  1. Tuwalya o towel

Magdala ng mga tuwalya para sa pagligo at para pangpunas kapag napapawisan. Para presko rin ang pakiramdam habang nasa biyahe, basain ang tuwalya gamit ang tubig at ipunas sa mukha.

  1. Insect repellant

Huwag kakalimutan magbaon ng insect repellant gaya ng RM Denguetrol para maprotektahan ang iyong pamilya sa mga lamok na may dalang dengue.

  1. Alcohol at hand sanitizer

Hindi rin dapat mawala ang pagbaon ng hand sanitizer o alcohol kung kayo ay magbabakasyon. Mas mabuti nang protektado ang iyong pamilya sa mga bacteria at virus kaysa magkasakit habang nasa bakasyon.

  1. Medicine Kit

Huwag kalilimutang magdala ng gamot, lalo na kung pupunta sa malalayong lugar. Narito ang mga dapat isama sa iyong medicine kit:

  • Ritemed Paramax– para sa lagnat, sakit ng ulo at pangangatawan
  • Sodium Ascorbate o Ascorbic Acid – para sa pang-araw-araw na pampalakas ng resistensiya
  • Loperamide – kung sakaling magkaroon ng diarrhea
  • Para sa ibang sakit ng iyong pamilya, huwag kalimutan ang iyong maintenance medicine na inirereseta ng iyong doktor.

References:

https://ritemed.com.ph/articles/13-travel-tips-para-sa-isang-ligtas-na-summer-vacation

https://www.alive.com/lifestyle/healthy-trails/

https://www.travelingmom.com/packing/11-things-you-should-pack-for-a-day-at-the-beach-with-family/