Mga Alternatibong Summer Activities Para sa Buong Pamilya

May 22, 2018

                Dahil walang eskwela ang mga kids tuwing summer, paborito ng mga pamilya na pumunta sa mga summer getaway spots kagaya ng mga  beach, hotsprings, waterfalls at iba pa. Kung nais niyong dalhin ang inyong pamilya sa beach para mag-swimming o sa bundok para magpalamig, siguradong puno din ito ng mga turista at pamilyang nagbabakasyon, kaya importanteng maging creative para sigurado kang fun ang summer ng pamilya. Bagaman masaya puntahan ang iba’t ibang sikat na summer getaways, hindi kailangan pumunta sa ibang lugar para maging fun and exciting ang family vacation. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang summer activities na maaaring gawin ng mga pamilya:

 

  1. Camping

Ang camping ay maaaring gawin out of town o sa labas ng bahay. Kinakailangan lang ng tent at mga sleeping bags at pwede nang mag-camping ang pamilya sa loob ng bahay. Under sa supervision ng mga magulang, pwede din mag-bonfire para mag-barbecue. Ang kagandahan pa nito ay pwede pang imbitahan ng mga kids ang kanilang mga kaibigan sa camping.

 

  1. Slumber party o sleepover party

                Kung walang tent, walang problema! Maaaring mag-host ng slumber party o sleepover party para sa mga kids at kanilang mga kaibigan. Maghanda lang ng snacks para sa movie marathon at pwede nang matulog ang mga kids sa sala gamit ang mga matress na nasa bahay- simple, yet fun para sa mga kids.

 

  1. Hiking

                Kung nakatira malapit sa bundok, maaari din mag-hiking tuwing weekends para i-encourage ang mga kids na maging active. Maganda ito para sa mga pamilya dahil fun ito at nakakabuti ang ehersisyo sa kalusugan.

 

  1. Jogging

                Kung walang bundok na malapit sa inyo, maaaring jogging ang bonding activity ng pamilya ngayong summer tuwing weekend. At dahil nakakagutom ang pag-ehersisyo, magadang dalhin ang pamilya sa kanilang paboritong restaurant pagkatapos mag-jogging para kumain ng breakfast. Napaka-ganda at napaka-healthy nitong bonding activity na ito para sa mga pamilya.

 

  1. Biking

undefined

Source: https://www.pexels.com/photo/two-boys-and-one-girl-riding-bicycles-on-road-beside-body-of-water-720436/

 

                At para hindi ma-bored ang mga kids sa jogging, pwede din mag-biking sa lugar kung saan safe para sa mga kids. Kung hindi marunong ang mga kids mag-bike, magandang panahon ang summer para turuan ang mga ito.

 

  1. Cooking o cooking classes

                May iba’t ibang classes na maaaring salihan ang mga pamilya, subalit ang cooking classes ay nakakabuti para sa mga kids dahil dagdag kaalaman at responsibilidad ito. Kung kapos sa budget, hindi naman kailangan mag-enroll sa class dahil pwede itong bonding activity ng pamilya sa bahay. Pwede kayong mag-barbecue o mag-bake, kinakailangan lang maging creative para mas maging interesado ang mga kids.

 

  1. Gardening

               Speaking of responsibility, magandang activity ang gardening para sa buong pamilya dahil matututo ang mga kids ng responsibilidad at nakakatulong itong pagandahin ang kapaligiran ng bahay. Kung pwede si Lolo at Lola, maaari din silang imbitihan dahil maganda din ang activity na ito para sa mga nakakatanda.

 

  1. Arts and craft

                Kung ang pamilya naman ay creative, pwede din maging bonding activity ngayong summer ang arts and crafts, kagaya ng pag-gawa ng saranggola o pag-paint. Maganda ito dahil pwedeng i-apply ng mga kids ang kanilang mga natutunan sa darating na pasukan.

 

  1. Picnic

               Kung nais naman ng pamilya mag-sightseeing pero hindi ganoon kalaki ang budget, ang simpleng picnic ay isang maganda summer activity para sa buong pamilya. Mas maganda kung mahangin sa labas para hindi ganoon ka-init at maaaring magpalipad ng saranggola ang mga kids.

 

  1. Staycation

                Kung nais naman ng pamilya lumabas para mag-relax, pwede din kayong mag-staycation. Galing sa salitang “stay” at “vacation”, ang ibig sabihin nito ay pag-bakasyon sa loob ng siyudad. Sa dami ng mga rooms na maaaring i-book sa mga resort condos o hotels sa siyudad, tiyak na madaming mapagpipilian. Sa staycations, enjoy ang mga kids at relax naman si Mommy and Daddy.

Ngayong summer, dahil sa dami ng mga turista at mga pamilyang nagbabakasyon, siguradong puno ang karamihan ng mga sikat na summer destinations sa Pilipinas. At dahil maaring hindi maka-alis ng weekday si Mommy o Daddy dahil sa trabaho, para iwasan ang mga turista at mga pamilyang nagbabakasyon sa weekend, kailangan maging creative. Importante din na alamin ang gusto ng mga kids dahil maaari din na sila ay may mga suggestion na kayang gawin ng buong pamilya ngayong summer.

 

Source: