Ano ang tonsilitis?
Karaniwan sa atin ang pagkakaroon ng sore throat dahil sa maraming dahilan tulad ng pagkakaroon ng sipon. Pero minsan ang sanhi nito ay ang pamamaga ng tonsils o ang tinatawag na tonsillitis.
Ang tonsilitis o ang pamamaga ng tonsil ay ang impeksyong dulot ng bacteria o kaya naman ay virus. Ito ay madalas na nararamdaman lalo na sa panahon ng tag-lamig. Minsan, ito ay ang pinagmumulan ng ibang sakit tulad ng ubo.
May dalawang klase ng tonsillitis. Isa sa ito ay ang acute tonsillitis. Ang acute tonsillitis ay mabilis na nagsisimula at nawawala agad sa loob ng 1 hanggang 2 linggo. Ganunpaman, maaari itong lumala at maging chronic tonsillitis. Ang chronic tonsillitis ay ang pagkakaroon ng pabalik-balik o mas matagal na tonsillitis. Ito ay mas nangangailangan ng mas matinding atensyong medikal tulad ng surgery.
Ilan sa mga sintomas ng tonsillitis ay ang mga sumusunod:
- Makati at namamaga ang iyong tonsil
- Namumuti o naninilaw ang tonsil
- Iritable sa pakiramdam
- Paglalaway dahil hirap lumunok (sa mga bata)
- Lagnat
- Ubo
- Walang gana kumain
- Mabaho ang hininga
- Hindi makapagsalita nang maayos
Para maibsan ang sakit ng tonsillitis, narito ang iba’t ibang home remedies na pwedeng gawin:
- Pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin
Maaari nitong maibsan ang sakit ng tonsillitis at maaari rin nitong mabawasan ang pamamaga ng tonsils. Maglagay lamang ng ½ kutsaritang asin sa 4 ounces na maligamgam na tubig.
- Pag-inom ng mainit na tsaa na may honey
Ang mga maiinit o maligamgam na inumin ay nakakatulong bawasan ang sakit na dulot ng tonsillitis. Ang honey naman ay may strong antibacterial properties na nakakatulong gamutin ang infection nito.
3. Popsicle at yelo
Makakatulong din sa pasyenteng may tonsillitis ang pagkain ng malamig upang mabawasan ang sakit at pamamaga na dala ng tonsillitis.
Para naman tuluyang gumaling, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng RiteMED Clindamycin, RiteMED Co-amoxiclav, RiteMED Azithromycin at RiteMED Cefaclor kung kinakailangan. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na makarecover.
References:
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-karaniwang-sakit-sa-lalamunan-tonsillitis-at-iba-pa
https://www.webmd.com/oral-health/tonsillitis-symptoms-causes-and-treatments#1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tonsillitis/symptoms-causes/syc-20378479
https://www.healthline.com/health/tonsillitis#diagnosis