Hindi bihira ang pagkakaroon ng sakit sa lalamunan, lalo na dahil maraming klase ng throat infection ang pwedeng makuha. Malaki ang tiyansa na marami sa atin ay nagka-sore throat o ubo na, o kaya naman ng tonsillitis at laryngitis. Anu-ano ba ang mga karaniwang throat conditions? Alamin natin ang ilan sa mga ito.
Tonsillitis
Habang mga bata at teenager ang madalas nakakaranas ng tonsillitis, hindi ligtas dito ang mga matatanda. Bilang isa sa mga pinakakaraniwang impeksyon, pwedeng magkaroon ng tonsillitis ang kahit anong edad.
Viral o bacterial infection sa tonsils ang dalawa na kadalasang tonsillitis causes. Maraming sintomas ang sakit na ito, katulad ng:
- Sore throat
- Puti o dilaw na spots o mantsa sa tonsils
- Hirap at hapdi kapag lumulunok
- Malat na boses
- Mabahong hininga
- Lagnat at panginginig
- Pananakit ng tenga, tiyan, o ulo
- Pananakit ng panga at leeg gawa ng namamagang lymph nodes
- Stiff neck
- Pagiging irritable, kawalan ng ganang kumain, at labis na paglalaway para sa mga sanggol
Kung may nararamdaman sa mga senyales na ito, hindi naman kailangang magpatingin kaagad sa doktor. Maraming natural remedies for tonsillitis na pwedeng-pwede gawin sa tahanan. Ang ilan sa mga ito ay ang pag-inom ng maraming tubig, pagmumog ng maligamgam na tubig at asin, at pagkain ng mga throat lozenges para maibsan ang pamamaga. Mainam rin ang pagpahinga ng sapat na oras, pati ang pag-iwas sa paglanghap ng usok.
Madalas, ang mga paraan na ito on how to treat tonsillitis ay sapat na. Pero kapag lumala na ang sintomas – halimbawa, kung may lagnat na lagpas na sa 39.5°C, at panghihina ng kalamnan – magpatingin na sa doktor. Antibiotics ang karaniwang irereseta nila bilang tonsillitis medicine. Siguraduhin na masusunod ang reseta na ito, para wasto ang maging epekto ng gamot at gumaling ang sakit.
Pharyngitis
Ang pamamaga ng pharynx o lalamunan ay tinatawag na pharyngitis, o sa madaling salita, sore throat. Hindi ito masyadong naiiba sa tonsillitis, dahil ang lugar ng impeksyon ang pinakamalaking kaibahan nila. Kung ang tonsillitis ay ang pamamaga ng tonsils, ang pharyngitis ang pamamaga ng mismong lalamunan. Dala ang virus ang pharyngitis. Ngunit minsan, sanhi rin nito ang bakteryang streptococcus, na nakukuha matapos maubohan o mabahingan ng taong may impeksyon, o matapos magkahawaan gawa ng pag-share ng pagkain o inumin.
Tulad rin ng tonsillitis, senyales ng pharyngitis ang lagnat, pananakit ng ulo, kasu-kasuan at kalamnan, at namamagang lymph nodes sa leeg. Ang naiiba lang na sintomas nito ay ang skin rashes o pamamantal ng balat.
Para naman sa gamot, bihira ang antibiotics bilang solusyon. Ito ay dahil nga virus ang karaniwang dahilan ng sakit. Kung ganito, makakatulong na ang mga natural treatment para mawala ang kondisyon. Magmumog rin ng maligamgam na tubig at asin, at kumain ng mga throat lozenge. Pwede ring uminom ng kalamansi at honey, o kaya naman sumubok ng mga over-the-counter na gamot katulad ng mga pain reliever. Magtanong lamang din muna sa doktor para malaman kung tama ang gamot na iinumin.
Laryngitis
Kapag naman ang voice box (o larynx) ang namaga, ang tawag dito ay laryngitis. Sanhi ng sakit na ito ang mga sumusunod:
- Upper respiratory infection o sipon
- Ang masyadong paggamit o overuse ng vocal chords sa pamamagitan ng labis na pagsalita, pagkanta o pagsigaw
- GERD o Gastroesophageal Reflux Disease
- Paninigarilyo, at exposure sa secondhand smoke o maduming hangin
Nagdudulot ang mga sanhi na ito ng masamang epekto sa boses. Sa umpisa, magiging paos tayo, hanggang sa huli ay tuluyan nang mawawala ang ating boses. ‘Pag sinubukan nating magsalita, mapapansin na napakahina lang ng tunog na lumalabas, at na masyadong malat ang boses. Mapupuna rin na masakit ang lalamunan, gawa ng pagmaga.
Ang laryngitis ay kadalasang tumatagal ng ilang araw lamang, pero may pagkakataon kung kalian isa hanggang dalawang linggo ang tinatagal nito. Bilang lunas para sa laryngitis, importante ang hindi pagsalita, para mapahinga ang voice box. Kung kailangan naman na magsalita, huwag bumulong, dahil karagdagang effort ang hinihingi nito kumpara sa regular na pagsasalita. Kasama ng pagpahinga ng boses, uminom rin ng maraming tubig at umiwas sa alcohol at sigarilyo. ‘Wag rin masyadong i-expose ang sarili sa ibang tao habang may laryngitis, dahil nakakahawa ito.
Pumunta na sa doktor kapag lumagpas na sa dalawang linggo ang sakit.
Tatlo lamang ang mga ito sa maraming throat infection na pwedeng makuha. Para makaiwas dito, simple lamang ang mga dapat gawin – ugaliin ang pagsunod sa proper hygiene. Maghugas ng kamay ng madalas, lalo na kung naglalaan ng oras kung saan laganap ang mikrobyo, katulad ng ospital, eskwelahan, o opisina. Magdala rin ng hand sanitizer o alcohol sa bag, para may panglinis pa rin ng kamay kahit na walang access sa malapit na hugasan. Sa tulong nito, malalayo tayo sa mga karaniwang sakit sa lalamunan.
References:
- https://www.healthline.com/health/strep-throat-prevention-and-treatments
- https://www.healthline.com/health/tonsillitis
- https://www.medicinenet.com/laryngitis/article.htm#are_there_any_home_remedies_to_soothe_and_cure_laryngitis
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/strep-throat/symptoms-causes/syc-20350338
- https://medlineplus.gov/ency/article/000655.htm