Ang toothache ay isang common problem na nararanasan ng lahat - bata man o matanda. Biglaan minsan ang pagkakaroon nito at malaki ang epekto sa quality of life ng tao. Nagmumula kadalasan ang toothache sa tooth decay o nabubulok na ngipin. Dito, may pangingilo at pagiging sensitive ng teeth tuwing kumakain ng matatamis o umiinom ng malamig at mainit na tubig. Pwede ring sumakit ang ngipin dahil sa gum infection, grinding of teeth, at abnormal bite.
Sa una, ang sakit ng ngipin ay mild lamang ngunit maaaring lumala kapag hindi nabigyan ng kaukulang atensyon. Kapag ang toothache ay kasamang lagnat, pamamaga ng pisngi o leeg, namamagang gilagid, at bad breath kahit kakatapos lang mag sipilyo, magpatingin na kaagad sa dentista. Bago pa man pumunta sa inyong family dentist, heto ang mga paunang lunas para sa masakit na ngipin.Ilan na rito ang mga sumusunod.
Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin
Ang maligamgam na tubig ay tumutulong para mabawasan ang sakit habang ang asin naman ay tumutulong na ma-disinfect ang affected area.
Gumamit ng dental floss
Gumamit ng dental floss para matanggal ang mga particles o tinga na naiwan sa pagitan ng mga ngipin.
Uminom ng over-the-counter medicine
Uminom ng gamot sa sakit ng ngipin o pain reliever, gaya ng RiteMED ibuprofen o RiteMED mefenamic acid para mabawasan ang sakit. Siguraduhing tama ang dosage na inyong iinumin.
Maglagay ng cold compress
Ang paglalagay ng cold compress sa pisngi katapat sa pananakit ng ngipin o gilagid ay makakabawas sa pamamaga nito. Ibalot ito sa tela at huwag direktang ilagay ang yelo sa pisngi.
Magpahid ng ointment
Kung may antiseptic ointment na may benzocaine, magandang ipahid ito sa masakit na ngipin at gilagid. Sundin ang tamang paggamit ng ointment na ito o kumunsulta sa duktor.
Huwag lagyan ng aspirin ang gilagid dahil hindi ito makakatulong at maaaring pang maging sanhi ng paghahapdi. Kung minsan ang toothache ay sanhi ng aksidente gaya ng pagkabangga o matinding tama sa mukha. Sa mga pagkakataong ito, mainam na dumiretso na kaagad sa emergency room.
Ang pagkain ng whole grains, lean protein, low-fat dairy products, gulay at prutas ay mainam para mapatibay ang enamel ng ngipin. Ang pagkain naman ng cheese ay sinasabing nakapagpapatibay rin ng ngipin dahil nagpro-promote ito ng saliva flow na tumutulong para ma-maintain ang pH level sa bibig. Makakatulong din ang mga over-the-counter vitamins at pag inom ng at least 8 glasses of water.
Tandaan lamang na ang mga first aid tips na nabanggit ay hindi makapagpapagaling sa toothache. Ang toothache ay dapat sa dentista parin ipakonsulta at ipagamot. Para naman maiwasan ulit ang pananakit ng ngipin, magpa-regular check-up sa dentista, magsipilyo at least twice a day, at mag floss araw-araw. Iwasan ang pagkain ng mga candy o mga masyadong matatamis na pagkain at umiwas sa iba’t ibang bisyo gaya ng paninigarilyo at labis na pag inom ng alak.
Source:
http://brooksidesmiles.com/toothaches-remember-first-aid-tips-seeing-dentist/
http://firstaidcourses.ca/how-to-treat-a-toothache/
http://www.colgate.com/en/us/oc/oral-health/life-stages/adult-oral-care/article/how-to-strengthen-weak-enamel-0915
http://www.backwoodshome.com/no-dentist-oh-no/