Ang halos lahat ng tao ay nakakaranas ng masakit na ngipin o toothache. Ito ay maaaring simpleng pagkirot lamang ng apektadong ngipin o isang matinding pananakit na mahirap tiisin at kinakailangan ng madaliang lunas.
Ayon sa mga dentista, ang pangunahing toothache cause ay ang pagkabulok ng ngipin o tooth decay, na siyang dulot ng pagkakaroon ng cavity o butas sa ngipin. Ang butas na ito ay resulta ng pagsisira ng asido sa matigas na ibabaw ng ngipin. Ang asukal at starch sa ating mga kinakain ay nag-iiwan ng bacteria na siyang bumubuo ng plaque na dumidikit sa labas ng ngipin at unti-unting sumisira nito.
Bukod sa tooth decay, ang iba pang sanhi ng toothache ay ang mga sumusunod:
- Pamamaga o impeksyon sa ugat ng ngipin o sa gilagid;
- Pag-iipon ng mga tinga ng pagkain sa ngipin, lalo na kung may pagitan sa gitna nito;
- Pagkapinsala sa ngipin dulot ng malakas na tama o paggigiling ng ngipin; at
- Pagkakaroon ng wisdom tooth o impacted tooth, kung saan hindi makalabas nang maayos sa gilagid ang ngipin.
Kailan dapat magpabunot ng ngipin?
Ang toothache ay kailangang ipatingin agad sa dentista, lalo na kapag sobrang sakit na nito. Ang pinaka-pangkaraniwang toothache remedy ay ang tooth extraction o pagbubunot ng ngipin. Bagama’t pangmatagalan dapat ang permanent teeth ng isang tao, mayroong ilang pagkakataon na kinakailangan nang ipabunot ito:
- Matinding sira ng ngipin - Kapag malaki na ang sira ng ngipin at wala nang ibang magagawa ang dentista upang iligtas ito, ang extraction ay ang pangunahing remedy for toothache at tooth decay.
- Impeksyon - Nagkakaroon ng impeksyon kapag ang tooth decay ay umaabot na sa pulp, o sa gitna ng ngipin kung saan naroroon ang nerves at blood vessels. Madalas ay ginagamot ito sa pamamagitan ng root canal therapy (RCT) o antibiotics, ngunit sa mga matitinding kaso na hindi kayang gamutin ng ganitong paraan, nirerekomenda na ng doktor ang pagbunot ng ngipin.
- Periodontal (Gum) Disease - Ito ay sanhi ng mahina at maluwang na kapit ng mga ngipin sa gilagid, kung saan ang isa sa mga lunas at toothache remedy ay ang tooth extraction.
- Masikip na bibig o crowded mouth - Ang orthodontia o pagtutuwid ng sungking ngipin ay ginagawa sa pamamagitan ng braces at iba pang dental treatments. Isang hadlang dito ay ang pagkakaroon ng crowded mouth dahil sa kasikipang dulot ng sobrang laki ng mga ngipin para sa hugis ng bibig. Madalas ay kailangang bawasan o bunutin ang ilang ngipin upang magkasya ang mga ito sa bibig at maging epektibo ang paglalagay ng braces.
- Wisdom tooth at impacted tooth - Kapag hindi lumalabas nang maayos sa gilagid ang isang ngipin, maaaring ipabunot na rin ito ng dentista bilang toothache reliever.
- Panganib o risk of infection - Maaaring irekomenda ng doktor ang pagbubunot ng ngipin kapag may dulot na panganib sa immune system ng isang pasyenteng sumasailalim sa medical treatments tulad ng chemotherapy o organ transplant.
Aftercare at Recovery
Bagama’t pangkaraniwang procedure ang tooth extraction, ito ay nangangailangan pa rin ng ilang araw na pahinga pagkatapos ito gawin. Habang nagpapagaling, asahang mayroong discomfort at kirot sa lugar na pinagbunutan ng ngipin. Para sa mabilis na paggaling, at sa pag-iwas na rin sa impeksyon, sundin nang mabuti ang mga sumusunod na remedy for toothache at post-extraction pain:
- Uminom ng toothache painkillers, o anumang pain reliever na irereseta ng dentista. Isang halimbawa ng toothache medicine ay ang kombinasyon ng paracetamol at ibuprofen na mayroon sa RiteMED Paramax na makakatulong sa pagtanggal ng sakit. Maaari ring irekomenda ang non-steroidal anti-inflammatory drug na RiteMED Mefanamic Acid bilang panlunas sa sakit pagkatapos ng tooth extraction.
- Huwag agad tanggalin ang gauze pad na inilagay ng dentista sa tooth socket upang mabawasan ang pagdudugo nito. Iwan ito ng tatlo hanggang apat na oras bago palitan ng bagong gauze pad.
- Bilang toothache home remedy, lagyan agad ng ice bag ang apektadong bahagi pagkatapos ng procedure upang bumaba ang pamamaga. Iwan ang ice bag ng 10 minutes lamang bawat paglagay. Ang masyadong matagal na application ng ice bag ay maaaring magresulta sa tissue damage.
- Magpahinga ng 24 hours o isang buong araw pagkatapos ng pagkabunot. Limitahan ang mga gawain sa mga susunod na araw dahil posible ang pagkabinat matapos ang tooth extraction.
- Mahalaga ang pagmumuo ng dugo o blood clot sa tooth socket. Iwasan ang pagmumog o mapwersang pagdura ng 24 hours pagkatapos ng extraction upang hindi matanggal ang blood clot.
- Pagkatapos ng 24 hours, magmumog ng 8 ounces ng maligamgam na tubig na may halong ½ teaspoon na asin.
- Iwasan muna ang pag-inom gamit ang straw sa unang 24 hours.
- Tumigil sa paninigarilyo dahil ito ay nakakapagpabagal sa pagpapagaling.
- Kumain lamang ng malalambot na pagkain tulad ng sopas, lugaw, yogurt, o pudding hanggang sa susunod na araw pagkatapos magpabunot. Kapag gumagaling na ang sugat, dahan-dahang dagdagan ng solid food ang diet.
- Iwasang humiga nang flat sa kama dahil ang ganitong posisyon ang maaaring magpatagal sa pagdudugo. Kapag matutulog, itaas nang kaunti ang ulo sa pamamagitan ng mga unan.
- Ipagpatuloy ang pag-brush at pag-floss ng ngipin, ngunit iwasan lang na matamaan ang apektadong bahagi. Ito ay para makaiwas sa pagdudugo at impeksyon.
Image by Unsplash
Mga Dapat Obserbahan Pagkatapos Magpabunot
Sa unang 24 hours pagkatapos mawala ang bisa ng anesthesia, asahang makakaramdam ng sakit sa bahaging nabunutan ng ngipin. Maaari ring magkaroon ng pamamaga at konting pagdudugo. Ito ay dapat unti-unting nababawasan pagkalipas ng ilang oras. Kung ang labis na pagdudugo at pamamaga at nananatili nang higit sa apat na oras pagkatapos ng pagbunot, mainam na bumalik sa dentista at ipatingin agad ito.
Dapat ding kumonsulta sa dentista kapag nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas pagkatapos magpabunot ng ngipin:
- Lagnat, panginginig, at iba pang sintomas ng impeksyon;
- Pagkahilo at pagsusuka;
- Pamumula, pamamaga, at labis na pagdudugo sa apektadong bahagi; at
- Pag-ubo, paghingal, at pagsikip ng dibdib.
Ang isang ring epekto ng pagkawala ng isa o higit sa isang ngipin ay ang paggalaw ng mga naiwang ngipin pagkatapos ng ilang linggo o buwan. Madalas ay nakakaapekto ito sa “bite” o posisyon ng mga ngipin sa pagkagat o pagnguya ng pagkain, o sa pagsasalita. Sa ganitong pagkakataon, mainam na magtanong sa dentista tungkol sa paglalagay ng kapalit sa mga nawalang ngipin. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pustiso, fixed bridge, o tooth implant.
Image by Unsplash
Sa isang malusog at malakas na katawan, hindi matagal ang recovery period sa pagpapabunot ng ngipin. Pagkalipas ng isa hanggang dalawang linggo, makakabalik na ang pasyente sa dati niyang diet. Mga bagong himaymay ng buto at gilagid ay magsisimula nang tumubo sa lugar ng binunutan, at sa tulong ng pagsunod sa tamang dental hygiene ay maaari nang makamtang muli ang maganda at maginhawang pagngiti at pagnguya.
Sources:
https://www.healthline.com/health/tooth-extraction-aftercare#1
https://www.webmd.com/oral-health/guide/pulling-a-tooth-tooth-extraction#1
https://www.dentalhealth.org/what-to-do-following-an-extraction
https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-toothache/basics/art-20056628