Isang global na epidemya ang sakit na tuberculosis (TB), isang nakakahawang impeksyon na umaatake sa mga baga. Taong 2017 nang idineklara ng World Health Organization o WHO ang Pilipinas bilang ika-walong bansa na nag-ambag sa 6% ng 10 milyong panibagong mga kaso ng TB sa buong mundo. 2016 naman noong sinubaybayan ng Department of Health gamit ang national tuberculosis prevalence survey ang halos isang milyong Pilipino na may TB nang hindi nila nalalaman.
Dahil sa nakakabahalang estado ng bansa at ng mga mamamayan sa sakit na ito, ibayong pag-iingat ang nararapat gawin para maiwasan ang patuloy na pagkalat nito. Sa pagsisimula sa tamang kaalaman tungkol sa tuberculosis, malaki ang maitutulong nito para bumaba ang mga bagong kaso ng TB sa ating lipunan.
Dahil ito ay isang malubha at nakakahawang sakit, makakatulong sa pag-iwas sa pagkalat nito ang pagiging maalam, mapanuri, at alerto sa causes at symptoms of tuberculosis at iba pang impormasyon tungkol sa kondisyong ito.
What is tuberculosis?
Mas kilala sa tawag na TB, ang tuberculosis ay isang sakit na tumatama sa baga. Maaari ring kumalat ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan gaya ng utak at spine.
Para sa causes of tuberculosis, ito ay dinadala ng bacteria na tinatawag na Mycobacterium tuberculosis, kung saan nakuha ang pangalan nito. Ito ang pinaka-dahilan sa lahat ng tuberculosis causes, pero kadalasan din ay nakukuha ang bacteria sa pagkahawa. Pwede itong maging active o latent na TB.
Ang active TB o TB disease ay nagpapakita ng mga sintomas at lubhang nakakahawa. Ito ay maaaring maging pulmonary tuberculosis o kaya ay extrapulmonary.
Ang pulmonary tuberculosis ang karaniwang kondisyon na naiisip ng mga tao kapag narinig ang sakit na TB. Ito ay direktang nakakaapekto sa baga dahil sa paglanghap ng bacteria mula sa hanging inilabas ng taong may TB.
Sa extrapulmonary tuberculosis naman, hindi sa baga ang atake ng impeksyon, kundi sa mga buto at iba pang organs. Ang iba’t ibang halimbawa nito ay:
- TB lymphadenitis – Sa lymph nodes kumapit ang impeksyon
- Skeletal TB – Kondisyon ng pagtama ng bacteria sa mga buto at joints
- Miliary TB – Uri na kumakalat sa iba’t ibang organs
- Genitourinary TB – Sa ari umepekto ang impeksyon
- Liver TB – Tinablan ng impeksyon ang atay at mga kalapit na organ nito
- Gastrointenstinal TB – Sa tiyan tumama ang bacteria
- TB meningitis – Nasa utak at spinal cord ang impeksyon
- TB peritonitis – Impeksyon sa layer ng tissue na tumataklob sa loob ng abdomen
- TB pericarditis – Apektado ang pericardium o ang mga tissue malapit sa puso
- Cutaneous TB – Balat ang nagtamo ng impeksyon
Latent tuberculosis ang kondisyon kung saan ang bacteria ay nasa katawan ngunit ito ay hindi aktibo. Dahil dito, walang nararanasang sintomas ang pasyente at normal ang chest x-ray findings. Sa kabila nito, positibo pa rin ang lalabas na mga resulta sa skin tests at TB blood tests.
Tuberculosis Signs and Symptoms
Ang symptoms of tuberculosis na maaaring mararanasan ay nakabatay kung anong parte ng katawan ang tinablan ng impeksyon. Ilan sa mga karaniwang signs of tuberculosis ang mga sumusunod:
- Ubong tumatagal nang mahigit tatlong linggo
- Pag-ubo na may kasamang dugo
- Pagkapagod o pagkahapo
- Pananakit ng dibdib
- Pagpapawis sa gabi
- Chills o panginginig
- Lagnat
- Kapansin-pansing pagbagsak ng timbang
- Kawalan ng ganang kumain
Paano kumakalat ang TB?
Isang airborne disease ang TB, kaya naman kagaya ng cold at flu virus, nalilipat ang bacteria at germs sa ibang tao sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, pakikipag-usap, pagtalsik ng laway, at maging simpleng paglanghap ng hanging inilabas ng isang pasyenteng may active TB.
Hindi ganoong kadali mahawa sa TB. Ang taong may matagal at malagiang exposure lamang sa may TB ang posibleng makakuha nito, gaya ng mga kapamilya, kaibigan, at katrabaho. Hindi ito nakukuha sa paghawak ng kamay ng pasyente o sa paggamit ng mga bagay na kanilang hinawakan dahil hindi tumatagal ang TB germs sa mga surface.
Paano mapipigilan ang pagkalat nito?
- Kilatisin ang mga nakakasalamuha. Ang mga taong exposed sa mga mayroong active TB, mga galing sa mga bansang may TB outbreak, at mga naninirahan malapit sa mga ospital ay at risk sa pagkakaroon nito. Kaya naman maging doble ang pag-iingat lalo na kung mayroong impormasyon tungkol sa mga tao sa buhay ng mga nakakasama.
- Palakasin ang immune system. Dahil nagsisimula ito sa hangin, patatagin ang resistensya laban sa germs at bacteria. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at antioxidants para may ipanglaban ang katawan sa TB lalo na kung na-expose sa taong mayroong active strain nito.
- Sumailalim sa tuberculosis treatment. Kung na-diagnose na mayroong active TB, huwag ito ipawalang-bahala. Nangangailangan ang agarang pagkonsulta sa doktor at pagdalo sa programang TB DOTS o Directly Observed Therapy Short Course - ang pagmo-monitor sa pag-inom ng gamot ng pasyenteng may TB. Isa sa kadalasang inireresetang anti-TB medicine ang Isoniazid + Pyridoxine Hydrochloride[CC1] lalo na sa mga bata. Dahil mas mahina at hindi pa developed ang immune system ng mga ito, nangangailangan sila ng medikasyon na mag-iingat sa kanilang nerves, red blood cells, at iba pang parte ng katawan na kadalasang tinatamaan ng TB bacteria.
- Ugaliing maghugas ng kamay. Para iwas sa pagkapit ng germs, siguraduhing maghugas mabuti nang kamay lalo na kung may nakasalamuhang nakakaranas ng ubo.
- Gumamit ng face mask at tissue. Meron man o walang TB, importante ang paggamit ng face mask at tissue lalo na kapag mayroong ubo at sipon. Bago itapon ang mga ito pagkatapos gamitin, takluban ito o balutin para hindi kumalat ang germs na napunta sa mga ito.
Inirerekomenda pa rin ang regular na pagpapatingin sa doktor lalo na kung may mahal sa buhay na nakakaranas ng TB. Oras na mapansin ang mga sintomas nito, o kaya naman ay maisip na at risk na sa pagkakaroon nito, huwag mahiyang magpakonsulta at sumailalim sa mga test para maingatan ang pamilya at mapigilan ang pagdami ng active cases ng TB.
Sources:
https://www.webmd.com/lung/tuberculosis-prevention
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/228777-things-to-know-tuberculosis-philippines
https://www.webmd.com/lung/understanding-tuberculosis-basics#1
https://www.healthline.com/health/types-of-tuberculosis#active-vs-latent
https://www.webmd.com/drugs/2/drug-5427/pyridoxine-vitamin-b6-oral/details
https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2012/01/03/763897/tuberculosis-philippines-10-things-you-should-know