Gamot sa pamamaga ng gilagid

January 17, 2019

Importante ang kalusugan ng ating bibig dahil dito tayo umaasa para sa normal na pag-function ng ating katawan. Dahil sa ating bibig, ngipin, at gilagid, tayo ay nakakapagsalita, nakakakain at nakakanguya.

Sa oras na magka-problema tayo ang ating gilagid gaya ng pamamaga at pananakit, hirap na tayong magsalita, kumain at mag-toothbrush. Gingivitis na yan.

Mga kaalaman tungkol sa pamamaga ng gums:

Ang gingivitis ay ang pamamaga ng gilagid kung saan ang plaque o ang bacteria na nabubuo sa ngipin ay naipon at hindi agad nalinis hanggang sa kumalat na sa buong gilagid.

Photo from Pixabay

Ang gingivitis, kung napabayaan, ay nagiging periodontitis. Ito ang pagkasira ng tissue sa gilagid dahil sa plaque at maaaring magdulot ng pagkasira ng iyong ngipin.

Sanhi ng gingivitis

  • Paninigarilyo
  • Diabetes
  • Hindi pantay na ngipin
  • Pagbubuntis
  • Ang pagtake ng ilang medications tulad ng oral contraceptives, steroids, chemotheraphy, at calcium blocker.
  • Pagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus o HIV at AIDs
  • Hindi maayos na pagkakalagay ng dental appliance

undefined

Photo from Pexels

Sintomas ng gingivitis

Narito ang maaari mong maramdaman at makita kapag ikaw ay nakararanas ng

gingivitis:

  • Pamumula, paglambot, at pamamaga ng gilagid
  • Pagdurugo ng gilagid kapag kumakain ng matigas; Pagdurugo kapag nag-toothbrush
  • Nana sa gilagid ng ngipin
  • Mabahong hininga kahit kakatapos palang magtoothbrush
  • Ang mga dentures (tulad ng braces) ay parang naninikip
  • Pag-uga ng ngipin
  • Malocclusion o ang pagiba ng posisyon ng mga ngipin kapag kumakagat

Paano sinusuri ng dentista ang gingivitis?

Ginagamit ang isang maliit na ruler para malaman kung gaano na kalalim ang pamamaga ng iyong gilagid. Ito ay madalas isa hanggang tatlong millimeters ang haba. Gamit ang X-ray, tinitignan din ng dentista kung mayroong kawalan ng buto sa may gilagid.

Makipagusap sa iyong dentista tungkol sa mga sintomas at mga nararamdaman. Kapag nasuri nang mabuti at nalamang gingivitis, maaari kang irekomenda ng iyong dentista sa isang periodontist o ang specialista sa mga sakit na gingivitis at periondontitis.

Ano ang gamot sa namamagang gums?

  • Paglilinis nang maayos ng ngipin--- gumamit ng toothbrush na may malambot na bristles.
  • Surgery – kung komplikado na ang kondisyon ng iyong gingivitis
  • Uminom ng anti-inflammatory medicine tulad ng Ritemed Mefenamic Acid

May RiteMED ba para sa masakit na gums?

undefined

 

Mga kaalaman tungkol sa Ritemed Mefenamic Acid:

Ang Mefenamic Acid ay para maibsan ang sakit ng ulo, toothache, sakit

pagkatapos ng surgery, myalgia o muscle pain, dysmenorrhea, at iba pang sakit na may

kinalaman sa cancer.

Ilang paalala sa pag-inom ng Ritemed Mefenamic Acid:

  • Huwag lalagpas ng sampung araw sa paginom ng gamot na ito maliban lamang kung nireseta ng doktor.

References:

https://www.webmd.com/oral-health/guide/gingivitis-periodontal-disease#1

https://www.healthline.com/health/gingivitis