Sintomas ng Ulcer

January 16, 2019

Ano ang Ulcer?

Ang ulcer sa tiyan ay nangyayari kapag nagsugat o nabutas ang lining ng ating sikmura. Dahil sa pagkasugat o pagkabutas sa lining ng sikmura, tayo ay nakakaramdam ng pananakit.

Ano ang mga maaaring maging sanhi ng ulcer sa tiyan?

  • Helicobacter pylori (H. Pylyori)

Ito ay bacteria na tumitira sa ating digestive tract at sumisira sa stomach lining o duodenum kaya nagkakaroon ng stomach ulcer.

  • Kapag matagal nang gumagamit ng mga anti-inflammatory drugs tulad ng ibuprofen, naproxen at aspirin
  • Sobrang asido sa sikmura o hyperacidity. Ang hyperacidity ay maaaring dulot ng stress, paninigarilyo o mga pagkaing maaanghang at mamantika. Ang kondisyong ito ay maaaring ring namamana
  • Sobrang pag-inom ng alak
  • Pagpapalipas ng gutom
  • May history ang kapamilya ng ulcer

Anu-ano ang mga sintomas ng ulcer sa tiyan?

Ang pananakit ng tiyan ang isa sa mga pinakamahirap madiagnose o malaman kung ano ang sakit dahil sa dami ng organs na konektado rito. Pero nasusuri ito nang mabuti kapag nalaman ng doktor ang mga sintomas na nararamdaman mo at kung gaano kadalas ito nangyayari.

  • Pananakit ng tiyan na hindi mawala-wala
  • Pagkabawas ng timbang
  • Kawalan ng gana kumain dahil sa sakit
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Paninikip ng dibdib o heartburn
  • Pagkakaroon ng dugo sa dumi

Gamot sa ulcer ng tiyan

Kung mayroon kang ulcer, ang gamot para dito ay depende sa kung ano ang nagdulot nito.

Kapag ang ulcer mo ay dulot ng H. Pylori infection, maaari kang resetahan ng mga antibiotics tulad ng RiteMED amoxicillin, clarithromycin at metronidazole.

 Kapag ang ulcer mo naman ay dulot ng pag-inom ng non-steroidal anti-inflammatory drugs, maaari kang resetahan ng PPIs o Proton Pump Inhibitors tulad ng Omeprazole, Pantoprazole at lansoprazole. Maliban sa PPIs, maaari ring magreseta ng H2-receptor antagonists tulad ng RiteMED Ranitidine bilang alternatibo. Ang PPIs at H2-receptor ay nakakatulong sa pagbabawas ng acid sa ating tiyan.

Maari ring magreseta ang iyong doktor ng RiteMED Neutracid para mas mabilis na relief.

Ano ang posibleng mangyari kapag hindi agad nagamot ang ulcer?

  • Pagdurugo sa tiyan
  • Impeksyon
  • Pagkabara at hirap maka-digest ng pagkain

Paano makakaiwas sa stomach ulcer?

  • Kumain sa tamang oras
  • Huwag manigarilyo o uminom ng alak
  • Kumain ng lima hanggang anim na maliliit na meals lamang
  • Umiwas sa sobrang paggamit ng painkillers
  • Matutong mag-relax upang maiwasan ang stress
  • Iwasan o bawasan ang pagkain ng masyadong maaanghang at mamantika

References:

https://www.healthline.com/health/stomach-ulcer

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/peptic-ulcer/symptoms-causes/syc-20354223

https://www.ritemed.com.ph/articles/tamang-alaga-sa-may-ulcer

https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/what-is-an-ulcer

https://www.nhs.uk/conditions/stomach-ulcer/treatment/