Ang uric acid ay isang waste product na nabubuo kapag tinutunaw ng katawan ang “purines”, isang natural na substance na makikita sa iba’t-ibang klase ng pagkain. Dahil hindi kailangan ng katawan ang uric acid, ito ay inilalabas sa pamamagitan ng pag-ihi. Maaaring magkakaroon ng iba’t-ibang kumplikasyon kung ang uric acid ay dumami at manatili sa loob ng katawan.
Mga dahilan kung bakit tumataas ang uric acid sa katawan
- Dyeta na hindi balanse
- Genetics
- Obesity o sobrang katabaan
- Stress
- Sakit sa bato
- Diabetes
- Hyperthyroidism
- Cancer
- psoriasis
Anu-ano ang epekto ng high uric acid sa katawan?
Ang mataas na lebel ng uric acid sa katawan ay tinatawag na “hyperuricemia” at ito ay maaaring magdulot ng mga sumusunod:
- Gout
Kapag sumobra ang uric acid sa katawan, maaari itong magdulot ng gout, isang napasakit na uri ng arthritis. Kapag mayroong gout, huwag kalilimutang magpakonsulta sa doktor para makaiwas sa komplikasyon. Isa sa maaaring ireseta ng doktor para maibsan ang gout ay ang RiteMED Allopurinol o di naman kaya ay RiteMED Colchicine.
- Kidney stones
Ang sobrang uric acid sa ihi ay maaaring mamuo at maging kidney stones. Sumasakit ang pag-ihi ng tao kapag bumara ang kidney stones sa daluyan ng ihi.
- Metabolic acidosis
Nakakabahala ang metabolic acidosis dahil maaari itong magdulot ng abnormal na paghinga, pagkalito, kawalan ng lakas at gana. At sa mga ilang pagkakataon, maaari itong magdulot ng kamatayan.
Anu-anu ang mga pagkaing nakakapagpataas ng uric acid?
Iwasan ang pagkonsumo ng mga sumusunod:
- Lamang-loob
- Sardinas
- Gravy
- Beer
Limitahan ang pagkain ng sumusunod:
- Karne
- Alimango
- Hipon
- Beans
- Pagkaing matatamis
Ano ang mga dapat gawin para mabawasan ang uric acid sa katawan?
- Uminom ng maraming tubig
Tinutulungan nito na mailabas ang uric acid sa katawan. Hangga’t maaari, magdala lagi ng water bottle para laging may maiinom.
- Iwasan ang alcohol
Ang beer at alak ay nakaka-dehydrate ng katawan. Kapag kulang sa tubig ang katawan, hindi nailalabas ang sobrang uric acid. May mga klase pa ng alak na mayaman sa purines na nakakadagdag sa uric acid sa katawan.
- Magbawas ng timbang
Ayon sa pag-aaral, tumataas ang uric acid sa katawan kapag sobra sa timbang at sobra ang katabaan.
- Dagdagan ng fiber ang dyeta
Nakakatulong ang pagkaing mayaman sa fiber sa pagtanggal ng uric acid sa katawan at sa pag-control ng lebel ng asukal sa dugo. Maaaring uminom ng RiteMED Fibermate na naglalaman ng psyllium fiber na makakatulong para makaiwas tayo sa labis na pagkain dahil pinapabagal nito ang ating digestion.
References:
https://www.mayoclinic.org/symptoms/high-uric-acid-level/basics/causes/sym-20050607
https://www.livestrong.com/article/74376-side-effects-uric-acid/
https://www.healthline.com/health/how-to-reduce-uric-acid
https://familydoctor.org/low-purine-diet/
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/what-is-metabolic-acidosis#1