Sintomas ng Zinc Deficiency

February 22, 2019

Napapadalas ba ang pagsabi ng anak mo na siya’y nahihilo, nananakit ang tiyan, o ‘di kaya’y nawawalan ng pang-amoy at panlasa? Bagama’t ang mga karamdamang ito ay posibleng dala ng pabago-bagong panahon, matinding init at kung anu-anong mga pangyayari sa paligid, baka may mas malalim na dahilan kung bakit hindi maganda ang kalusugan ng anak mo.

Kung ang iyong sagot ay “oo” sa mga nabanggit na sintomas at ilang araw na itong iniinda ng iyong anak, maaaring ito ay senyales na ng zinc deficiency.

Ano nga ba ang Zinc?

Ang zinc ay isang uri ng mineral sa loob ng katawan na tumutulong labanan ang impeksyon na sanhi ng mga sugat. Malaking tulong ang zinc sa paggaling ng mga injuries. Nakakatulong din ito sa kakayahan ng katawan na gumawa ng DNA -- ang nagsisilbing genetic blueprint ng ating pagkatao.

Paano malalaman kung ang isang tao ay may zinc deficiency?

Bukod sa mga naunang nabanggit na sintomas, may iba pang paraan upang masabi na ang isang tao ay may zinc deficiency. Kadalasan ang mga sintomas na ito ay agad na makikita at maaaring aksyunan agad. Ang mga sumusunod ay ang mga zinc deficiency symptoms na dapat mong bantayan:

  • Hair loss o ang pagkakalagas ng buhok
  • Lack of alertness o ang kawalan ng abilidad maging alerto sa kapaligiran
  • Slow wound healing o mabagal na paggaling ng mga sugat
  • Rough and dry skin o ang panunuyo ng balat
  • Reduced sense of taste and smell o kawalan ng panlasa at pang-amoy

Ano ang mga pagkaing nakakatulong para maiwasan ang zinc deficiency?

Upang makaiwas sa zinc deficiency, importante na alamin ang tamang pagkain na iyong ihahain para sa iyong pamilya. Ang mga sumusunod ay ang mga inirerekomendang mga pagkain na maaaring makatulong makadagdag ng zinc sa inyong katawan:

1. Karne

Bukod sa paborito ng karamihan sa hapag-kainan, ang karne ay mayaman sa zinc. Ang bawat 100-gram na serving nito ay naglalaman ng 43% na zinc na kinakailangan ng katawan sa araw-araw.

2. Shellfish

Para naman sa mga mahilig sa seafoods, ang mga pagkain gaya ng talaba, alimango, tahong, at hipon ay nakakatulong sa pang-araw-araw na zinc intake.

3.  Mani

undefined

Photo from Unsplash


Bukod sa madaling mabili, maituturing rin na masustansiyang pagkain ang mani. Gaya ng mga naunang nabanggit, ito ay nakakatulong rin sa pagdagdag ng zinc sa iyong katawan at iba pang mga nutrients. Mainam din ang mani sa kalusugan ng puso.

4. Dairy Products

undefined

Photo from Unsplash


Butter, eggs, cheese, yogurt, at cake ay ilan sa mga halimbawa ng mga dairy foods na mayaman sa zinc. Bukod sa madalas na gawing dessert, ang mga pagkaing ito ay maaari rin maging source ng protein, calcium, at vitamin D na maaaring makatulong sa pagpapatibay ng mga buto at kalamnan.

May RiteMED ba nito?

Para makatulong sa pagdagdag ng supply ng zinc sa inyong katawan, makakatulong ang pag-inom ng mga food supplements gaya na lamang ng RiteMED Zinc-C. Ito ay food supplement na pinagsamang ascorbic acid at zinc na makakatulong palakasin ang resistensiya ng mga kids.

Higit sa lahat, importanteng kumonsulta muna sa duktor bago simulan ang pag-inom ng food supplement na ito.

Sources:

https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-982/zinc

https://www.whittington.nhs.uk/document.ashx?id=1950

https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-982/zinc

https://www.healthline.com/health/zinc-deficiency

https://www.medicalnewstoday.com/articles/320393.php

https://www.healthline.com/nutrition/best-foods-high-in-zinc