Kilala ang Vitamin C bilang isa sa pangunahing source ng malakas na resistensya para sa pangangatawan. Isa itong essential vitamin – ibig sabihin, hindi ito kayang gawin o i-produce ng katawan. Ito rin ay water-soluble kaya naman ang labis na intake nito ay nangangahulugan lang na sasama na lang sa ihi ang sobra sa pangangailangan ng katawan.
Bukod dito, marami pang nagagawa ang Vitamin C para mapanatiling healthy ang isang tao. Tingnan natin ang ilan sa mga ito bago tayo dumako sa mga epekto ng kakulangan nito.
- Ang Vitamin C ay isang antioxidant na maaaring makapagpababa ng risk ng pagkakaroon ng chronic diseases.
Kinakalaban ng bitaminang ito ang mga tinatawag na free radicals, ang mapinsalang mga molecule sa katawan na nagdudulot ng oxidative stress – ito naman ang nakikitang sanhi ng chronic diseases. Sa pag-inom ng inirerekomendang dose ng Vitamin C, napag-alaman na napapataas nito ang blood antioxidant levels hanggang 30%!
- Nalalabanan nito ang high blood pressure.
Bagama’t hindi ito kinikilala bilang gamot kontra-high blood pressure, nakita sa ilang pag-aaral ang kahalagahan ng Vitamin C sa pagpapa-normal ng systolic at diastolic blood pressure. Epektibo rin ito bilang pag-iingat para sa wala ng ganitong kondisyon.
- Napapabuti ng Vitamin C ang heart health.
Nakakatulong din ang Vitamin C para mapababa ang bad cholesterol o LDL at mapataas ang good cholesterol o HDL. Binabalanse rin nito ang levels ng triglyceride sa dugo, dahilan para bumaba ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso gaya ng hypertension.
- Naiiwasan nito ang pag-atake ng gout.
Dahil sa anti-inflammatory properties nito, napipigilan ng Vitamin C ang pamamaga na dala ng gout sa mga kasukasuan dahil sa labis na uric acid sa dugo. Nililimitahan nito ang dami ng uric acid para ma-regulate ang mga sintomas ng gout at iba pang uri ng arthritis.
- Tumutulong ito sa iron absorption.
Kailangan ng katawan ng iron para sa production ng red blood cells at pagdadala ng oxygenated na dugo sa buong katawan. Sa regular na pag-inom ng Vitamin C supplements, napag-alaman na natutulungan nitong i-absorb ng katawan ang iron mula sa mga pagkain.
Ano naman ang Vitamin C Deficiency?
Sa mga nabanggit na benefits ng Vitamin C, makikita agad na mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami nito araw-araw. Tinatawag na scurvy ang kondisyon na ito. Kapag hindi naagapan, ang scurvy ay maaaring maging nakamamatay dahil sa mga komplikasyong dala nito.
Bakit nagkakaroon ng Vitamin C Deficiency?
Ang paliwanag dito, ang Vitamin C ay kailangan kasi para makagawa ng collagen, isang importanteng component para sa connective tissues. Ang mga ito ang nagbibigay-structure at suporta sa katawan, maging sa mga blood vessel. Kapag kulang sa Vitamin C, malaking parte ng body systems ang hindi makakapag-function nang mabuti – apektado ang immune system.
Bagama’t nakukuha sa pagkain ang bitaminang ito, kadalasan ang hindi sapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng katawan ang dami ng Vitamin C na nakukuha sa pagkain. Ito ang dahilan kung bakit iminumungkahi na idagdag ang pag-inom ng ascorbic acid supplements sa healthy diet.
Photo from Unsplash
Mataas ang risk factors ng scurvy sa mga taong kulang sa prutas at gulay ang diet, mga mayroong anorexia at mental health issues, matatanda, at ang mga labis na paggamit ng bawal na gamot o alak.
Anu-ano ang mga sintomas ng Vitamin C Deficiency?
Sa loob ng isa hanggang tatlong buwan, maaaring maging kapansin-pansin ang mga ito kapag malaki ang kakulangan sa Vitamin C:
- Iron-deficiency anemia;
- Mabagal na paggaling ng mga sugat;
- Gum disease o sakit sa galagid na sinasamahan ng pagdudugo;
- Pagkalagas ng ngipin;
- Paninikip ng hininga;
- Pamamaga ng mga muscles o edema;
- Pabago-bagong mood;
- Jaundice o paninilaw ng balat;
- Biglaang pagdurugo;
- Convulsions; o
- Depression.
Hindi agad-agad makikita ang mga sintomas na ito dahil madalas lamang ito nagma-manifest kapag malaki na ang pinsala sa loob ng katawan. Mainam na magkaroon ng regular check-up para ma-monitor ang Vitamin C levels sa dugo.
Ano ang tamang Vitamin C dosage na angkop sa pangangailangan ko?
Photo from Unsplash
Maliban sa edad, may ibang factors pa gaya ng medical history at health condition ang kailangan ipagsaalang-alang para makumpleto ang recommended daily amount ng Vitamin C. Kumonsulta muna sa doktor para makasigurado:
Birth to 6 months: 40 mg
Infants (7 to 12 months): 50 mg
1 to 3-year olds: 15 mg
4 to 8-year olds: 25 mg
9 to 13-year olds: 45 mg
14 to 18-year olds (boys): 75 mg
14 to 18-year olds (girls): 65 mg
Adult men: 90 mg
Adult women: 75 mg
Pregnant women: 85 mg
Breastfeeding women: 120 mg
Anu-ano ang mga posibleng source of Vitamin C?
Matatagpuan sa mga prutas at gulay ang Vitamin C. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga sumusunod:
- Mga citrus na prutas gaya ng orange at grapefruit;
- Red at green pepper;
- Kiwi;
- Mga prutas gaya ng berries, cantaloupe melon, at tomato;
- Mga gulay gaya ng broccoli at iba pang dark green vegetables; at
- Mga produktong may nakalagay sa label na “fortified with Vitamin C.”
Nababawasan sa pagluluto o sa paghahanda ng pagkain ng level ng Vitamin C content. Ilan sa mga cooking method na nagdudulot nito ang steaming at pagma-microwave.
Bukod sa pagkain, may mga Vitamin C supplements na nabibili over-the-counter para masiguradong makumpleto ang recommended daily allowance nito.
Paano makakaiwas sa Vitamin C Deficiency?
Narito ang ilan sa mga paraan para maging malayo sa Vitamin C deficiency:
- Suriing mabuti ang diet. Siguraduhing may balanseng dami ng prutas at gulay ang inyong meal plan, na sasamahan pa ng Vitamin C supplements.
- Magkaroon ng oras para makakuha ng healthy sunlight sa pagitan ng 6 AM hanggang 9 AM. Ang Vitamin D mula dito ay nagpapabilis ng absorption ng Vitamin C.
- Mag-take ng iron supplements para mag-complement sa mga benepisyo ng Vitamin C. Natutulungan ng mineral na ito ang Vitamin C na gampanan ang pag-iingat sa katawan at pagpapalakas ng resistensya.
- Maglaan ng sapat na oras para sa pahinga. Kapag at rest ang katawan, mas nagagampanan ng Vitamin C ang mga prosesong pampalakas-resistensya.
- Magkaroon ng regular na pagpapakonsulta sa doktor upang mabantayan ang kalusugan. Huwag nang hintaying maranasan ang mga sintomas ng scurvy bago maging alerto.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/155758.php
https://ods.od.nih.gov/factsheets/VitaminC-Consumer/
https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-c-benefits#section6