Foods Rich in Vitamin C

August 19, 2020

5 Pagkaing Mayaman sa Vitamin C

Ang vitamin C ay isang bitaminang water-soluble na matatagpuan sa mga pagkain gaya ng prutas at gulay. Kilala rin ito sa pagiging mabisang antioxidant at sa pagkakaroon ng mga positibong epekto sa immune system at kalusugan ng balat. Ang vitamin C ay mahalaga rin para sa malusog na buto at ngipin, at nakakatulong din para sa collagen synthesis, small blood vessels, at connective tissues.

Ang katawan ng tao ay walang natural na kakayahang gumawa ng sariling vitamin C o mag-imbak nito. Samakatuwid, mahalagang bigyan ang katawan ng sapat na dami ng bitaminang ito sa pamamagitan ng pagkain ng mga gulay at prutas na mayaman dito. Ang daily value (DV) ng vitamin C na kailangan ng katawan ay 90 mg.

May mga senyales na ang isang tao ay kulang sa bitaminang ito. Ang ilan sa mga sintomas ay pagdurugo ng gilagid, madalas na pagkakaroon ng pasa at impeksyon, mabagal na paggaling ng sugat, anemia, at scurvy.

Gayunpaman, maraming mga healthy foods ang mayaman sa bitaminang ito. Narito ang ilan sa mga gulay at prutas na dapat mong kainin upang mabigyan mo ang iyong katawan ng sapat na vitamin C.

Sili

Ang isang berdeng sili ay mayroong 109 mg ng vitamin C, o katumbas ng 121% na DV. Ang pulang sili naman ay mayroong 65 mg nito, o 72% na DV. Bukod dito, ang sili ay mayaman din sa capsaicin. Ito ang compound na dahilan sa maanghang na lasa nito. Ang capsaisin ay maaaring makapagbawas ng sakit at pamamaga. Mayroong mga ebidensya na ang humigit-kumulang isang kutsara (10 grams) ng red chili powder ay maaaring makatulong sa pagtunaw ng taba.

Bayabas

undefined

(https://www.shutterstock.com/image-photo/isolated-guava-one-whole-green-fruit-1632762718)

Bukod sa masarap nitong lasa, ang bayabas ay mayroong 126 mg ng vitamin C, o 140% ng DV. Ang tropical na prutas na ito na may pink na laman ay karaniwang matatagpuan sa Mexico at South America, ngunit marami ring taniman nito sa Pilipinas. Mayaman din ito sa antioxidant at lycopene. Ayon sa isang anim na linggong pagsasaliksik sa 45 na bata at malulusog na tao, ang pagkain ng 400 grams (7 piraso) ng binalatang bayabas kada araw ay nakapagpapababa ng blood pressure at total cholesterol levels.

Broccoli

Ang broccoli ay isang cruciferous vegetable na kadalasang sangkap sa iba’t-ibang lutuin. Ang kalahating cup ng lutong broccoli ay nagbibigay ng 51 mg ng vitamin C, o 57% ng daily value DV.

Lemon

 

Ang isang buong lemon, kasama ang balat nito, ay may 83 mg ng vitamin C o 92% ng DV. Mabisang antioxidant din ang katas nito. Ginagamit din ang katas ng lemon upang maiwasan ang pagiging kulay brown ng mga prutas at gulay matapos hiwain ang mga ito. Ang lemon ay maaaring gamitin upang gumawa ng “infused” water o di kaya naman ay bilang masarap at masustansyang juice.

Papaya

Ang isang cup o 145 grams ng papaya ay mayroong 87 mg ng vitamin C. Ito ay katumbas ng 97% ng daily value DV. Ang Vitamin C ay nakakatulong magpatalas ng memorya at mayroong mabisang anti-inflammatory effect sa utak.

 

Ang vitamin C ay mahalaga sa ating immune system at sa ating pangkalahatang kalusugan. Tandaan na ang kakulangan sa bitaminang ito ay may negatibong epekto sa iyong kalusugan. Habang ang mga citrus fruits ang pinakakilalang pinagkukunan ng vitamin C, merong ibat-ibang prutas at gulay na mayaman din dito. Ang pagkain ng mga pagkaing nabanggit ay mahalaga upang matugunan ang pangangailangan ng iyong katawan sa vitamin C. Maaari ring uminom ng mga supplements gaya ng RM Ascorbic Acid at multivitamins ngunit siguraduhing kumonsulta muna sa iyong doktor.

 

Sources:

https://www.webmd.com/diet/features/the-benefits-of-vitamin-c

https://medlineplus.gov/ency/article/002404.htm

https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-c-foods

https://www.medicalnewstoday.com/articles/219352

https://www.uofmhealth.org/health-library/ut1025spec