Ang Ascorbic Acid o Vitamin C ay isa sa mga karaniwang vitamins na iniinom ng tao. Isa ito sa pinakasafe at epektibong nutrient ayon sa mga espesyalista. Isa itong water-soluble vitamin at antioxidant na tumutulong sa paggawa ng collagen, na sya namang tumutulong sa pagpapalakas ng daluyan ng dugo at mga muscle sa katawan. Hindi kayang mag-produce ng katawan ng Vitamin C kung kaya't importanteng kumain at uminom ng mga pagkaing sagana ditto at araw-araw uminom ng bitamina.
Pagkaing Mayaman sa Vitamin C
Maraming prutas at gulay na sagana sa ascorbic acid. Ilang sa mga ito ay ang orange, dalandan, kalamansi, melon, ubas, strawberry, repolyo, cauliflower, red pepper, patatas, broccoli at iba pang madadahong gulay. Kung lulutuin ang mga gulay, dapat ay mababa lamang ang temperatura at sa loob lamang ng maiksing oras para hindi mawala ang taglay nitong Vitamin C.
Inirerekomendang kumain ng siyam na serving ng prutas at gulay araw-araw para makakuha ang katawan ng kailangang dami nito ng Vitamin C at iba pang bitamina.
Role ng Vitamin C sa Katawan
Kailangan ang ascorbic acid sa paglaki, pag-develop at pag-repair ng body tissues. Importante din ito sa paggawa ng collagen, pag-absorb ng iron, paggaling ng sugat at sa maintenance ng mga buto at ngipin. Isa rin ito sa mga antioxidants na promoprotekta laban sa mga free radicals, at toxic chemicals gaya ng usok ng sigarilyo.
Ang sobrang Vitamin C ay nilalabas ng katawan kung kaya't hindi problema kung masobrahan nito. Ngunit, hangga't maaari, hindi dapat lalagpas sa 2,000 miligrams ng Vitamin C ang iinumin sa isang araw dahil maaari itong magsanhi ng pagsakit ng tyan at pagtatae. Mainam din na huwag itong inumin bago matulog dahil isa itong stimulant at maaaring mahirapang makatulog.
Kapag walang sapat na Vitamin C ang katawan, maaaring magkaranas ng madalas na pagkakaroon ng pasa, gingivitis, pagdurugo ng gilagid, panunuyo ng buhok, pagkakaroon ng split ends, mabagal na paggaling ng sugat at pagdurugo ng ilong..
Iba’t-Ibang Benepisyo ng Vitamin C
- Pang-laban sa Scurvy
Ang scurvy ay isang sakit na dulot ng kakulangan ng Vitamin C ng katawan. Maaari itong mauwi sa anemia, panghihina, pagdudugo at pagkakaroon ng maluwag na ngipin.
- Pang-laban sa Stress
Ayon sa isang pag-aaral, ang Vitamin C ay nakatutulong sa mga taong humihina ang immune system dahil sa stress. Ang ascorbic acid ay isa sa mga nutrients na agad na nawawala sa katawan ng mga taong naninigarilyo, umiinom ng alak at overweight.
- Pang-laban sa sipon
Ang Vitamin C ay hindi gamot sa sipon ngunit ayon sa pag-aaral, nakakatulong itong maiwasan ang ilang seryosong kumplikasyong dala nito gaya na lamang ng pneumonia at lung infection. May isang pag-aaral din na nagsasabing ang mga taong regular ang pag-inom ng Vitamin C ay pwede pa ding magkaroon ng sipon, kasing dalas ng mga taong walang daily intake ng bitamina. Ngunit, mas maiksing panahon lamang sila may sakit.
- Pang-laban sa Pagtanda ng Balat
Ang Vitamin C ay nakaka apekto sa cells ng katawan. Nakita sa isang pag-aaral ng American Journal of Clinical Nutrition, ang madaming pag-inom ng Vitamin C ay konektado sa mababang tsansang paglabas ng wrinkles at panunuyo ng balat.
Sources:
- http://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/12/16/11/salamat-dok-ikaw-ang-iyong-vitamins
- https://www.webmd.com/diet/features/the-benefits-of-vitamin-c#1
- https://www.livescience.com/51827-vitamin-c.html
- https://www.organicfacts.net/health-benefits/vitamins/health-benefits-of-vitamin-c-or-ascorbic-acid.html