Top Vitamin Flavors na Gustong-gusto ng mga Bata

October 27, 2017

Kadalasang napapaisip ang mga nanay kung sapat ba ang nutrisyon na nakukuha ng kanilang mga anak o kung kulang ba ang mga bitamina at mineral mula sa mga ihinahain nilang pagkain. Minsan ay nagkakaroon ang mga bata ng tinatawag na nutrient deficiency. Problema ito lalo pa kung pihikan ang mga kids. Kaya naman, mahalaga na mapunan ang pagkukulang na ito sa pamamagitan ng pagpapainom sa kanila ng vitamins.

Ano nga ba ang nasa vitamins for kids? Kadalasan sa mga vitamins at minerals na nasa mga multivitamins ay Vitamins A, C, E, at Zinc. May ilang klase rin ng multivitamins na mayroong Chlorella Growth Factor o CGF na siyang tumutulong sa pagtangkad ng mga bata. Narito ang isa bang benefits ng mga nasabing vitamins:

  • Vitamin A - Tumutulong ito sa normal na paglaki at overall development ng mga bata. Napapanatili nito ang pagiging healthy ng mga mata, balat, at immune system.

     

  • Vitamin B - Ang set ng Vitamin B o Vitamin B-Complex ay nakakaapekto sa metabolism at energy production na kailangan sa pagiging active ng mga bata.

     

  • Vitamin C - Pinapalakas nito ang immune system ng katawan para iwas-sakit. Ito ang primary benefit ng RM Ascorbic Acid. Bukod dito, napapanatiling healthy ng Vitamin C ang balat at pinapabilis ang paggaling ng mga sugat.

     

  • Zinc - Beneficial ang pagkakaroon ng sapat na Zinc sa katawan upang mapanitili ang malakas na immune system. Isa ang RM Zinc-C sa mga vitamins na mayroong kasamang Ascorbic Acid para doble-protektado sa sakit ang inyong active kids.

     

Siguradong healthy at nutritious ang gustong ihain ng mga nanay para sa kanilang mga anak. Kasama sa well-balanced meal ay karne, kanin, gatas, prutas, at gulay. Ngunit isa na yata sa pinaka-challenging na parte ay ang pagpapakain ng gulay at prutas sa mga bata. Kadalasan pa nga ay mas mahilig silang kumain ng mga pagkaing may preservatives at processed foods gaya ng hotdog, bacon, o kaya fastfood. Kapag napadalas ang konsumo ng mga ito, maaaring makasama sa kalusugan ng mga anak niyo dahil sa mababang nutritional value ng mga pagkaing ito.


Dito lumalabas ang importansya ng pagpapainom ng vitamins sa mga bata. Alam ng lahat ng magulang na mas mahirap painumin ng gamot ang mga bata kesa pakainin sila ng mga gulay lalo na kung hindi nila gusto ang lasa nito. Kaya naman, importante na yummy para sa kids ang flavor ng pipiliing vitamins para sa kanila. Para matulungan kayo, ilan sa mga top flavors na patok para sa mga bata ay ang orange, strawberry, grapes, apple, at mango flavors.

 

undefined

Ang mga flavors na fruit-based ay nakaka-excite para sa mga bata dahil maaari silang maenganyo sa pag-inom ng vitamins. Bukod sa masarap na flavor, nakakawili rin para sa mga bata ang kulay ng vitamins na iinumin.

SOURCES:
https://www.webmd.com/vitamins-supplements/ingredientmono-982-zinc.aspx?activeingredientid=982
https://www.webmd.com/parenting/guide/vitamins-for-kids-do-healthy-kids-need-vitamins#2
http://www.gnc.com/multivitamins-for-children/102612.html?cgid=multivitamins-for-children#start=1