Sa panahon ngayon, parami nang parami ang mga paraan upang magpapayat o magbawas ng timbang. Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang sa pagbabawas ng iyong timbang at nagtataka kung bakit kahit anong gawin mo ay parang walang nangyayari, baka hindi tama ang iyong ginagawa sa pagpapapayat.
Heto ang mga maling haka-haka sa pagbabawas ng timbang at mga diet tips na posibleng maging epektibo sa iyo:
- Pagkain nang sobra o kulang sa calories
Bagama’t nagkakaiba ang timbang ng bawat tao, mayroong tamang bilang ng calories na na nababagay sa bawat isa. Kapag sobra o kulang sa calories ang ating nakokonsumo, maaaring maapektuhan ang ating metabolismo. Mahihirapan ngayon ang ating katawan sa pag-digest ng mga pagkain na nagreresulta sa pagdagdag ng ating timbang.
Diet Tip: Subukang magpakonsulta sa iyong dietician kung ilan ang calories na kailangan mong ibawas o i-konsumo sa iyong pang-araw-araw na diet.
- Hindi pag-ehersisyo o pag-ehersisyo nang sobra
Kung ikaw ay hindi nag-eehersisyo sabay binabawasan mo ang pagkonsumo ng calories, maaaring mabawasan ang iyong muscle mass at makaranas ka ng pagkabagal ng iyong metabolismo.
Samantala ang pag-ehersisyo naman nang sobra ay posibleng magdulot ng stress at iba pang mga komplikasyon na dala ng sobrang pagkapagod at walang pahinga.
Diet Tip: Kung sa tingin mo ay hindi kaya ng iyong katawan ang araw-araw na pag-ehersisyo, gawin kahit tatlo o dalawang beses lamang sa isang linggo. Minsan kaya tayo ay nagkakaroon ng sakit ay dahil sa sobrang pagod - trabaho man o sa eskwela, sabay pipilitin pa ang katawan na mag-ehersisyo. Kasabay nang tamang ehersisyo ay ang tamang pahinga sa pagbabawas ng timbang.
- Pagpili ng mga “low fat” diet food
Madalas na pinipili ang mga produktong ito sapagkat sa pagkakaalam ng karamihan ay
nakatutulong ito sa kanilang pagdi-diyeta. Ngunit minsan ang mga produktong ito ay may kasamang asukal na hindi maganda sa kalusugan.
Bukod sa asukal, nakakapagpagutom din ang mga “low fat” na produktong ito.
Diet Tip: Imbis na bumili ng mga “low fat” diet food o iba pang preservatives, mas
makabubuting fresh gulay at prutas ang kainin bilang pangdiyeta.
- Ang hindi pagbabasa ng mga nutrition label sa likod ng produkto
Kapag ikaw ay nagdi-diyeta, kailangan mong maging tutok kung ang produkto ba ay labis sa calories at trans fat bago mo bilhin.
Diet Tip: Basahin nang mabuti ang mga nutrition label. Dito makikita kung ilan ang mga
calories na posible mong makonsumo. Pwede mo ring basahin ang mga reviews
sa internet tungkol sa produkto lalo na sa mga nakasubok na nito. Kumunsulta sa iyong dietician kung makabubuti ba ang produkto sa iyo.
- Ang pagkain kahit hindi ka nagugutom
May nagsasabing kumain nang pakonti-konti kada oras upang mawala o mabawasan ang pagkagutom. Ang totoo, maaaring magdulot lamang ito ng labis-labis na pagkonsumo ng calories na hindi naman kinakailangan.
Diet Tip: Kung sa tingin mo ay hindi ka naman gutom na gutom talaga, subukang uminom ng tubig o kaya ay magmerienda ng prutas na hindi gaanong nakakabigat sa iyong timbang.
- Ang hindi pag-track ng mga kinakain
Mabuting paraan ang pagkain nang mga nutritious food ngunit importante pa rin ang paglista ng iyong kinakain pati na rin ang pag-ooras kung kailan ka kakain.
Diet Tip: Ang paglilista ng iyong mga kinakain o pagkakaroon ng diet plan ay makatutulong
upang makikita mo ang iyong progress na pwedeng magsilbing weight loss motivation.
- Kulang sa Fiber ang iyong kinakain
Ang fiber ay malaking tulong sa pag-digest ng iyong mga kinakain. Mainam na panlaban ito sa constipation. Maaaring irekomenda ng iyong dietician ang Ritemed Fibermate bilang pangdagdag Fiber na kailangan ng katawan.
Diet Tip: Isama ang Fiber sa iyong daily meal o diet plan. Ang fiber din ay nakakapagpabusog ng pakiramdam kaya naman talagang nakatutulong sa iyong pagdi-diyeta.
- Hindi makatotohanan ang iyong mga weight loss goals
Hindi porket ikaw ay nag-gym ng isang araw ay mababawasan na nang sobra-sobra ang iyong timbang. Hindi dapat pilitin ang iyong pagbabawas ng timbang para lang ipagyabang sa iba. Minsan kailangan i-enjoy mo rin ang proseso at mag-set ka ng mga short-term goals.
May mga taong sinasadyang gutumin ang sarili para makapagbawas ng timbang. Ang problema, sa oras na ng pagkain ay maaaring bumawi ang katawan at maparami ang kainin.
Diet Tip: Magpakonsulta sa dietician para sa tamang paraan ng pagbabawas ng timbang. Mahalaga din na i-enjoy mo ang pagdi-diyeta para ganahan ka araw-araw. Mag-plano ng short-term goals na madaling gawin para hindi mo napu-pwersa ang iyong sarili.
References:
https://www.healthline.com/nutrition/weight-loss-mistakes
https://www.rd.com/health/diet-weight-loss/why-you-cant-lose-weight/
https://www.healthline.com/nutrition/20-reasons-you-are-not-losing-weight
https://www.verywellfit.com/things-to-stop-doing-want-to-lose-weight-3496367