Mga Paraan Para Mapanatili ang Tamang Timbang Ngayong Kapaskuhan

December 24, 2017

Kapag Christmas season, tiyak na kaliwa’t-kanan na naman ang mga kainan. May mga Christmas party kasama ang mga kaopisina, dinner kasama ang mga kaibigan, o kaya naman reunion kasama ang pamilya. Sa mga oksasyon na ito, madalas ay mahirap iwasan ang pagdami ng kinakain, lalo na at marami at masarap ang mga handaan. Dahil dito, nagkakaroon ng tiyansa na mapabayaan ang ating timbang.

Para mapanatili ang normal natin na timbang ngayong kapaskuhan, pwedeng sundin ang mga tips na ito.

Gumawa ng mga Ehersisyo

Mayroong mga ehersisyo na pwedeng gawin, para manatiling maayos ang timbang ngayong pasko.

Aerobic o Cardio Exercise

undefined

Ang aerobic exercise, na tinatawag rin bilang Cardio, ay ang mga ehersisyo na nagpapasigla ng ating heart rate at breathing rate, para makayanan ng katawan na gawin ng tuloy-tuloy ang ehersisyo. Napapabuti ng aerobic exercises ang ating fitness, dahil sa dami ng calories na nasusunog nito. Ang ilan sa mga simpleng aerobic exercise na pwedeng gawin ay ang running, swimming, aerobics, zumba, at ang paggamit ng jumping rope.

Strength Training

Kung ang aerobic exercise ay ang nagbabawas ng taba sa ating katawan, ang strength training naman ay ang mga ehersisyo na nagpapalakas ng ating mga kalamnan. Sa pamamagitan ng strength training, nagkakaroon ng pagdami ang lean muscles natin, at kaakibat nito ay ang magbilis rin ng ating metabolismo. Ang metabolism ay ang proseso kung saan pinapalitan ng katawan ang ating mga kiinakain at iniinom, at ginagawang enerhiya. Kapag mabilis ang metabolismo, ibig sabihin nito ay mas mabilis ang proseso ng pag-convert ng pagkain sa enerhiya, kaya hindi nakakapagipon ang katawan ng maraming taba.

Pwede ring gawin sa bahay ang strength training. Ang mga karaniwang halimbawa nito ay ang pagbubuhat ng weights. Hindi naman kailangang barbell o dumbbell ang gamitin. Kung may mga bote na hindi ginagamit sa bahay, lamnan ang mga ito ng tubig, at gamitin bilang weights.

Maliban sa pagbubuhat, maaring gumawa ng push-ups, abdominal crunches o sit-ups, at ng leg squats, o ang pagyukyok o pag-crouch ng katawan habang nakaunat ang mga braso.

Dagdagan ang Pang-Araw Araw na Physical Activity

Kung hindi naman ehersisyo, pwede ring gumawa ng iba’t ibang klase ng physical activities na kayang isali sa ating daily routine, katulad ng:

  • Paglalakad: Sanayin ang sarili sa regular na paglalakad. Kung kaya, maglaan ng 15 na minuto sa isang araw para sa brisk walking. Pero kung busy o maraming inaasikaso, pwede ring isama ang paglalakad sa ibang aktibidad. Halimbawa, imbes na sumakay sa elevator o escalator, ugaliin ang pagakyat at pagbaba sa hagdan, lalo na kung kaunting palapag lang ang lalakarin. Maari ring maglakad papunta at pabalik sa trabaho o paaralan, lalo na kung malapit lamang ito. At kung mamimili na ng mga pang-regalo, dalasan rin ang paglalakad para magsilbing ehersisyo na rin ito.

undefined

  • Paggawa ng mga Gawaing Bahay: Kahit ang simpleng pag-aayos ng bahay, pagwawalis ng mga dahon sa labas, paglilinis ng kotse, at iba pa ay pwedeng makatulong sa pagpapanatili ng normal na timbang. Na-eexercise ang ating katawan at nababawasan ang calories na tinatabi nito, kaya naman maaring mabawasan ang ating timbang.

Syempre, hindi lamang exercise ang dapat gawin para mapanatiling normal ang timbang ngayong Christmas season. Kasama ng pag-eehersisyo ang pagsunod sa tamang diet. Narito ang ilan sa mga tips na pwedeng sundan:

  • Damihan ang pag-inom ng tubig, lalo na kung umiinom rin ng mga softdrinks, juice o alcohol. Kung kakayanin, uminom na lamang ng tubig imbes ang mga ibang inumin.

  • Samahan ng gulay ang mga handang pagkain – katulad ng gising-gising, pinakbet, o laing.

  • Kung napadami ang kain, huwag gutumin ang sarili kinabukasan. Sa halip nito, kumain ng high-fiber food katulad ng oats, o high potassium food katulad ng saging.

  • Bagalan ang bilis ng pagkain. Huwag madaliin ito, para maayos rin ang pagtunaw ng mga kinain sa ating tiyan.

  • Dagdagan ang pagkain ng protina, para manatiling normal ang blood sugar, at mabawasan ang fat storage sa katawan. Mataas sa protina ang mani, keso, at hamon.

Masarap kumain kapag Christmas season, pero minsan ay hindi mapigilan ang pag-iisip tungkol sa diyeta at timbang. Sa tulong ng mga exercise at diet tips na naibigay, maari nating mapanatiling maayos ang ating timbang, kahit sa gitna ng mga handaan.

 

References:

  • https://www.cdc.gov/healthyweight/physical_activity/index.html
  • https://www.everydayhealth.com/weight/everyday-activities-that-burn-calories.aspx
  • https://www.fitnessmagazine.com/weight-loss/tips/party-proof-your-diet/
  • https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/metabolism/art-20046508
  • https://www.medicinenet.com/aerobic_exercise/article.htm
  • http://www.mirror.co.uk/lifestyle/dieting/stay-slim-christmas-21-ways-4809725
  • https://www.rd.com/health/diet-weight-loss/how-to-lose-weight/