5 Healthy Diet Alternatives para sa May Sakit sa Puso

February 27, 2018

Lingid sa kaalaman ng marami, ang sakit sa puso o heart disease ay hindi lamang sakit ng matatanda. Maaari ring makuha ito ng mas nakababata dahil sa paninigarilyo, kakulangan sa gawaing pisikal, at mataas na level ng cholesterol sanhi ng hindi healthy na diet.

Bukod sa regular na pagpapatingin sa doktor, pag-eehersisyo at pag-iwas sa paninigarilyo, ang pag-inom nang maraming tubig at pagkakaroon ng balanced diet ay mabibisang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon at mga sintomas ng sakit sa puso.

Narito ang ilang mga heart-healthy foods na maaaring isama sa inyong diet.

Mga pagkaing masagana sa "good fat"

Imbis na potato chips at chicharon ang gawing merienda, bakit hindi palitan ng nuts – tulad ng almonds, walnuts at mani – ang iyong snacks? Ang mga ito ay hindi nakakadagdag sa bad cholesterol na pangunahing sanhi ng sakit sa puso. Maari ring kainin ang granola, yogurt at flax seeds para sa isang heart-friendly snack!

Mga pagkaing nagtataglay ng fiber 

undefined

Image from Pixabay

Bawas-bawasan ang inyong konsumo ng kanin, mga pagkaing maasukal at white breads sa agahan at unti-unting lumipat sa mga fiber-rich na alternatibo katulad ng oats, whole wheat bread at brown rice – lahat ng mga ito ay foods good for the heart.

Nakakababa ang fiber ng cholesterol at unti-unting nililinis ang ating digestive system sa tuluyang pag-kain ng mga ito. May mga sustansya din itong panlaban sa heart disease at mga sintomas ng sakit sa puso. Bukod dito, mabigat kainin ang oats , whole wheat breads at brown rice kung kaya pananatilihin kang busog ng mga ito sa mas mahabang panahon.

Dark chocolate 

Hindi naman ibig sabihin ng heart-healthy diet ay kailangan nang umiwas sa lahat ng malalasang pagkain. Isang halimbawa ng healthy at malasang snack ay ang dark chocolate, na nagpapababa sa kapanganiban ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Marami ang taglay na cocoa ng dark chocolate, at napag-alaman na ang cocoa ay nakakababa ng blood pressure at lebel ng cholesterol. Piliin ito kaysa sa milk o white chocolate.

Olive oil

undefined

Image from Pixabay

Imbis na vegetable o canola oil ang gamitin sa pagluluto, subukang gumamit ng olive oil. Mas healthy ang olive oil dahil sa taglay nitong monounsaturated fat at mga sustansya. Kung hindi naman kayang magpalit nang agaran, maaari ring mabawasan ang konsumo sa mantika sa pamamagitan ng paggamit sa non-stick fan. Hindi na kailangang gumamit ng mantika kapag nagpi-prito ng mga pagkaing naglalaman ng maraming langis.

Isda  

Mahalaga man ang protina na nanggagaling sa karne, nakasasama ang pagkain nito nang labis. Ugaliing magsama ng seafood kagaya ng isda at gulay sa inyong diet. Ang tuna ay isa sa pinakamagandang kainin sapagkat marami itong taglay na sustansya gaya ng protina at omega-3. Maaari ring magdagdag ng melon, pakwan, grapes, papaya at mansanas – na pawang mga fruits good for the heart sa inyong diet dahil sa nilalamang fiber at antioxidants ng mga ito.

Huwag hintayin na magkaroon ng mga sintomas ng sakit sa puso bago baguhin ang pamumuhay. Magsimulang kumain ng foods good for the heart na may kaakibat na pag-eehersisyo at pagkonsulta sa doktor upang makasiguro na tayo ay heart-strong at healthy.