Ano ang mga bawal kainin pag may hyperacidity?

May 05, 2018

Ano ang Hyperacidity?

 Ang hyperacidity o dyspepsia ay isang pangkaraniwang kondisyon na kadalasan ay tinatawag na indigestion. Ito ay isang uri ng sakit na dulot ng labis na dami ng stomach acid o asido, na siyang nagdudulot ng iritasyon sa tiyan o lalamunan. Dahil ang hyperacidity o dyspepsia ay isang pagkaraniwang kondisyon, hindi ito mapanganib, maliban nalang kung ito ay isang sintomas ng isang malubhang karamdaman.

Mga Sintomas ng Hyperacidity

Ang hyperacidity o dypepsia ay kadalasan na napagkakamalang ordinaryong stomach ache o pananakit ng tiyan. Ang pinagkaiba ng ang sakit ng tiyan sa hyperacidity o dyspepsia  ay kadalasang may kaakibat na iba pang sintomas ang hyperacidity o dyspepsia katulad ng:

  •  Fatigue o pagkahilo
  •  Labis na pag-burp o pagdighay
  •  Loss of appetite o kawalan ng gana kumain
  •  Pag-burp o pagdighay na may kasamang pagkain
  • Labis na kabusugan pagkatapos kumain
  • Heartburn o pananakit ng dibdib dahil sa indigestion
  • Pagiging bloated

Paano Maiiwasan ang Hyperacidity

undefinedSource: https://pixabay.com/en/hamburger-p-french-fries-belly-2683042/

     Ayon sa mga eksperto, ang pagiging overweight o obese ay ilan sa mga pangunahing sanhi ng hyperacidity o dyspepsia, kaya importante ang pag-ehersisyo at pagbantay sa mga kinakain. Samakatuwid, kailangan umiwas kumain ng sobra sobra. At maliban dito, iwasan ang mga labis na maalat, maanghang at maasim na pagkain dahil nakakadagdag ito sa gastric acid o asido sa tiyan. Ang mga sumusunod ay limang pagkain na kailangan iwasan kung ikaw ay mayroong hyperacidity o dyspepsia:

  1. Fried food o piniritong pagkain

Ang fried food o mga piniritong pagkain ay mataas sa trans-fat, kaya mas mahirap itong i-digest o matunaw. Bukod dito, ang mga pagkaing ito ay mabigat sa tiyan, at pinapabagal nito ang proseso ng pagtunaw ng pagkain sa katawan, na siyang nagdudulot sa labis na asido sa tiyan. Ang fried fats naman ay kadalasan naiiwan sa tiyan ng mas matagal na nagdudulot ng pressure sa tiyan.

  1. Processed baked goods o pastries na mayroong preservatives

                Normal sa mga Pilipino na magkaroon ng hilig sa mga matatamis na pagkain, subalit ang desserts na high in artificial sugar at preservatives ay maaaring magdulot ng hyperacidty o dyspepsia. Ayon sa mga eksperto, ang artificial sugar at preservatives ay isa sa mga pinaka-acidic na pagkain, kung kaya’t kailangan iwasan ang mga pagkain na mayroon nito. Kung nais niyong kumain ng desserts, mas mainam na gawin ito para nababantayan o na-cocontrol ang mga sangkap nito.

  1. Coffee

                Kahit sino man sa mundong ito ay sasang-ayon na ang pag-inom ng kape sa umaga ay normal na routine, subalit ayon sa mga pag-aaral, ang caffiene sa kape ay nagdudulot ng hyperacidity o dyspepsia. Kung ikaw ay mayroong hyperacidity o dyspepsia, sa halip na uminom ng normal na kape, ugaliin na uminom ng decaffienated coffee para maka-iwas sa acid reflux. Kung nais naman iwasan magkaroon ng hyperacidity o dyspepsia, limitahin ang pag-inom ng kape.

  1. Softdrinks at fruit juice

                Ang pag-inom ng carbonated drinks kagaya ng softdrinks ay nagpapataas ng acid response. At dahil mataas din ang artificial sugar content nito, kailangan itong iwasan. Importante din na iwasan ang mga citric fruit juices kagaya ng orange juice dahil nakakasama din ito para sa may mga hyperacidity o dyspepsia. Sa halip na uminom nito, payo ng mga eksperto na uminom ng tubig.

  1. Meat

                Ang meat ay mas mahirap i-digest kumpara sa vegetables, kung kaya’t nakakasama ito sa mga taong mayroong hyperacidity o dyspepsia. Subalit, ang mga karne na low in fat  kagaya ng turkey, lean chicken and fish ay mas madaling i-digest kumpara sa pork at beef. Bagaman may mga alternatibong karne na mas madaling i-digest, payo ng mga eksperto na limitahin ito ng 2-3 beses sa isang linggo at damihan ang intake ng raw fruits at vegetables.

 

Maliban sa pag-iwas sa mga pagkain na ito, may iba pang mga paraan para maiwasan ang hyperacidity o dypepsia. Ito ay ilan sa karagdagan na mga bagay na maaaring gawin upang maiwasan ito:

  • Kumain sa takdang oras.
  • Wag humiga pagkatapos kumain.
  • Maghintay ng 2-3 oras bago matulog pagkatapos kumain.
  • Umiwas sa paninigarilyo.
  • Magbawas ng sobrang timbang.
  • Mag-ehersisyo araw-araw.
  • Huwag magsuot ng sobrang sikip na damit.
  • Magpahinga tuwing nakakaranas ng stress.

Simple lang ang mga kailangan gawin upang maka-iwas sa hyperacidity o dyspepsia, kailangan lang ng disiplina upang magawa ito. Para hindi mahirapan, maaaring gawin ang mga ito, one step at a time.

Sources:

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/hyperacidity

https://www.globalhealingcenter.com/natural-health/foods-that-cause-acid-reflux/

https://www.webmd.boots.com/heartburn-gord/guide/heartburn-triggers

https://www.healthline.com/health/acid-foods-to-avoid#3

https://www.healthline.com/health/gerd/diet-nutrition#foods-to-avoid