Sa tuwing tayo ay nakahahawak ng dumi, bukod sa paghuhugas ng kamay, ang paggamit kaagad ng alcohol at sanitizer ang ating solusyon. Ito ay dahil ang alcohol o sanitizer ay nakatutulong para hindi kumalat ang bacteria o virus sa ibang bahagi ng katawan at magdulot ng sakit.
Importante ang pangangalaga sa ating katawan sa anumang paraan. Kaya sa paggamit ng alcohol, mahalagang malaman natin kung ano ang mas epektibo at ang tamang paggamit nito.
Ating pag-usapan ang mga uri ng alcohol bilang disinfectant o tagapagtanggal ng bacteria gaya ng ethyl and isopropyl alcohol.
Ano ang Isopropyl Alcohol?
Ang isopropyl alcohol o isopropanol ay kilala na ginagamit ng karamihang bilang disinfectant o panglinis.
Ito ay likido na walang kulay o colorless, flammable (maaaring magdulot ng sunog), at kapareho ang amoy sa rubbing alcohol. Ito ay volatile liquid o nagiging gas kapag na-expose sa hangin.
Isopropyl Alcohol uses
- Pantanggal ng natirang hairspray sa buhok
- Pambura ng permanenteng marker
- Pantanggal ng mga nakadikit na sticker
- Panglinis ng mga electronics o gadgets
- Pantanggal ng mga mantsa sa mga gamit sa bahay gaya ng sofa, kumot, kurtina, at Iba pang mayroong tela.
- Deodorant o pangtanggal ng bacteria dulot ng pawis sa kili-kili.
- Pang-spray sa mga dumadapong langaw
- Pantanggal ng amoy sa sapatos o tsinelas
- Pwede rin itong gamitin para mai-stretch ang masisikip na sapatos
Ano ang Ethyl Alcohol?
Katulad ng isopropyl alcohol, ang ethyl alcohol o ethanol ay wala ring kulay na likido na nagiging gas kapag na-expose sa hangin.
Ethyl Alcohol uses
- Sangkap para sa mga produktong pampaganda at pangkalinisan
Ang ethanol ay madalas na ginagamit sa mga personal care products gaya ng cosmetics (make-up), lotion, hairspray, at hand sanitizers. Ang mga dishwashing liquid ay madalas na naglalaman ng ethanol.
- Sangkap sa iba’t-ibang uri ng alak
Ang ethyl alcohol ang pangunahing ingredient sa paggawa ng mga alchoholic beverages tulad ng beer, wine, o brandy.
- Pantanggal ng barnis at pintura
- Food additives
Ginagamit din ito bilang pampadagdag ng kulay sa pagkain at para gumanda ang lasa nito.
- Fuel o gaas / petrolyo
Malaking parte ng mga gumagamit ng petrolyo ay mayroong ingredient na ethanol lalo na sa panahon ngayon para makatulong sa ating environment.
Difference between ethyl and isopropyl alcohol:
Bagama’t halos parehas sila ng paraan ng paggamit, mayroong kaibahan ang dalawang uri ng alcohol na ito.
Ang isopropyl alcohol ay gawa mula propene, isang by-product ng fossil fuels gaya ng petrolyo, natural gas at coal. Nakasasama ito sa ating kapaligiran at sa ating pangkalahatang kalusugan.
Ang ethyl alcohol naman ay nagmumula sa plant fermentation at maaari ring mai-produce kapag na-hydrate ang ethylene, isang uri na natural gas. Ayon sa mga eksperto, ang ethyl alcohol ay ligtas sa kalusugan kaya ito ay ginagamit sa iba’t-ibang klase ng produkto.
May Ritemed ba nito?
Gumamit ng Ritemed Ethyl Alcohol araw- araw para ma-disinfect ang iyong katawan at paligid sa mga germs at masamang bacteria na nagdudulot ng sakit.
References:
https://www.onegoodthingbyjillee.com/11-uses-for-rubbing-alcohol/
https://www.chemicalsafetyfacts.org/ethanol/
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-ethyl-alc-70-250ml