Bakit nga ba natin kailangan ang psyllium fiber?

January 17, 2019

Ano ang psyllium fiber?

Ang psyllium fiber ay isang uri ng fiber na gawa sa balat ng plantago ovata o minsan ay tawag na “ispaghula”. Ito ay laxative o tumutulong upang umayos ang pag-function ng digestive system lalo na kung may constipation o pagtatae.

Tandaan ang mga sumusunod na psyllium fiber benefits:

  • Nakakatulong sa pagbabawas ng timbang
  • Tumutulong sa regular na pagdumi at mainam na panlaban sa constipation

Ayon sa research, ang pag-inom ng psyllium fiber bago kumain ay nakakabigat ng tiyan at mararamdaman mo agad na ikaw ay busog na.

undefined

  • Pinapababa nito ang matataas na blood sugar levels

Dahil pinapabagal ng psyllium fiber ang pagdigest ng mga kinain, tinutulungan din

nitong ma-regulate ang blood sugar levels na sdayang mainam para sa mga may diabetes.

  • Nakakabawas ng masamang Cholesterol

May Ritemed ba nito?

Mga kaalaman tungkol sa Ritemed Fibermate:

undefined

Para saan ang RiteMED Fibermate?

Ang supplement na ito ay para sa mga nagbabawas ng timbang o para mabalanse ang nutrients sa katawan, sa mga nakararanas ng constipation, at upang maiwasan ang obesity.

Ano ang tamang dosage at tuwing kailan ginagamit ang Ritemed Fibermate?

Ang isang sachet o pakete na 5.4g ay iniinom kasabay ng pagkain, tatlong beses sa isang araw.

Meron bang psyllium fiber side effects?

  • Maaaring makaramdam ng paninikip ng tiyan o paglalabas ng hangin. Kung matindi ang pananakit ng tiyan, kumonsulta agad sa doktor.
  • Ang pagtake ng supplement na ito ay dapat may kasabay na pag-inom ng isang basong tubig o ibang likido na 8 ounces o 240 ml. Kapag hindi ito nasunod, may tiyansang sumakit ang lalamunan o mabilaukan.
  • Kung biglaang nanikip ang dibdib, nahirapang huminga, o nagsuka, itigil muna ang pag-inom at kumonsulta sa doktor.

 

References:

https://www.healthline.com/health/psyllium-health-benefits

https://www.healthline.com/nutrition/why-is-fiber-good-for-you#section6

https://www.medicalnewstoday.com/articles/318707.php