Kailangan ng ating katawan ng madaming klase ng vitamins, minerals, trace metals and electrolytes para mag-function ito ng maigi. Ang compounds na ito ay tinatawag na micronutrients, at madami ang hindi nakakakuha ng sapat na dami ng nutrients kahit na sobra sobrang food ang kinakain.
Ano ang micronutrients?
Micronutrients ay kailangan para masuportahan ang vital physiological functions ng ating katawan. Ilan sa mga micronturients ay ang vitamins, minerals at trace elements tulad ng
- Vitamin A — para sa healthy vision; improves immune function
- Vitamin C — para ma-prevent ang infection at mag-boost ng immune function; slows cellular aging
- Vitamin D — para ma-enhance ang intestinal absorption ng calcium, magnesium and zinc; nakakatulong sa bone health
- Vitamin E — nagre-reduce ng inflammation; mahalaga sa immune and neurological function
- Calcium — vital sa muscle contraction; nakakatulong sa bone health
- Magnesium — nakakatulong mag-regulate ng muscle at nerve function, blood sugar, blood pressure at sa production ng protein, bone at DNA
- Niacin (Vitamin B3) — supports cell growth; nakatutulong sa pag-regulate ng metabolism
- Zinc — aids cellular metabolism; supports normal growth and development during pregnancy; boosts immune function
Lahat ng ito ay nakakatulong para makaiwas sa sakit at ara maging malusog.
Bakit kailangang i-fortify ang pagkain?
Dahil sa undernutrition at nutrient deficiency, inirekomenda ng World Health organization (WHO) ang food fortification. Mahalaga ang fortified foods para magkaroon ng balanced diet ang isang populasyon. Ang pag-fortify ng pagkain ay cost-effective way para ma-improve ang kanilang nutrient intake.
Ano ang difference ng fortified food vs. enriched food?
Fortified foods ay mga pagkaing dinagdagan ng nutrients, na hindi matatagpuan sa food na iyon. Ang Fortified foods ay nakakatulong sa pag-improve ng nutrition at maraming dalang health benefits. Halimbawa, ang gatas ay kadalasang fortified with vitamin D, samantalang ang calcium ay maaring idagdag sa fruit juices.
Ang enriched food naman ay ang pagbalik ng nawalang nutrients sa pagkain habang pina-process. Karamihan ng refined grains ay enriched. Ang wheat flour, halimbawa, ay may folic acid, riboflavin, at iron na ibinalik after processing. Ito ay ibinabalik para ma-restore ang original vitamin levels.
Healthy ba ang fortified food?
Ang food fortification ay ang process ng pagdadagdag ng nutrients sa processed foods o food products.
Ang process na ito ay naging strategy ng World Health organization (WHO) upang malabanan ang undernutrition at nutrient deficiency. Dahil sa success ng food fortification, ang mga karaniwang sakit sanhi ng micronutrient deficiency ay nawala. Though walang studies tungkol sa nutrients, bukod sa folic acid, na nagsasabing na-improve ng fortified foods ang ating kalusugan. Inirerekomenda na maging bahagi ng healthy, nutrient-rich diet ang fortified at enriched foods. Ngunit naka-depende sa edad at ilang factors ang pagiging beneficial nito.
Fortified and Enriched foods for Kids
Ang mga bata ay vulnerable sa nutrient deficiencies. Kung walang dagdag na vitamins at minerals, maraming bata at teens ang hindi makaka-meet ng daily nutrient requirements. Mahalaga ang fortified at enriched foods dahil ito ay important source ng nutrients sa mga kids, lalo na ng iron, zinc, and B vitamins.
Ang mga fortified at enriched foods, lalo na ang mga pagkain na hindi formulated for children, ay maaaring hindi safe sa mga bata. Inererekomenda ng EWG na dapat ay hindi lumagpas sa 20 to 25 percent ng adult recommended daily value ng vitamin A, niacin, at zinc ang pagkain ng mga bata. I-check ang value ng vitamins sa nutrition label ng pagkain. Importanteng alamin at i-check ang nutritional value sa mga fortified o enriched foods pero beneficial pa rin sa mga bata at teens ang pag-include nito upang magkaroon ng balanced diet.
Fortified and Enriched foods for Adults
Majority ng adults ay hindi nakakakuha ng sapat na nutrients dahil maraming hindi kumakain ng gulay. Karamihan ng adults ay kulang sa calcium, magnesium, dietary fiber at vitamins A, D, E at C. Ang mga matatanda at buntis ay mas vulnerable sa vitamin deficiencies. Ang mga matatandang may special diets ay kailangang maging aware sa potential vitamin deficiencies. Ang mga vegan ay magbe-benefit sa pagkain ng foods fortified with vitamin B12. Ngunit may mga adults na maaring mag-overconsume ng ilang vitamins na present na sa supplement na tini-take nila.
Balanced Diet
Mahalaga ang balanced diet dahil kailangan ng organs at tissues ang wastong nutrisyon para gumana ang mga ito ng maayos. Kapag hindi tama ang nutrisyon, ang katawan ay magiging prone sa sakit, infection, fatigue at poor performance. Ang mga batang may poor diet ay may risk magkaroon ng growth and developmental problems at maaari ring maging sanhi ng poor academic performance, bad eating habits hanggang sa kanilang pagtanda.
Photo from Pixabay
Ang pagtaas ng cases ng obesity at diabetes ay epekto ng poor diet at kakulangan sa ehersisyo. May report din na 4 out of top 10 causes of death ay may diretsong koneksiyon sa diet, ito ay ang heart disease, cancer, stroke at diabetes.
Para ma-achieve ang balanced diet kumain ng wasto. Kumain ng healthy at maging aware sa mga vitamins food sources. Kumain ng pagkaing mababa sa unnecessary fats at sugar tulad ng prutas, gulay, grains, proteins, dairy at oils. Para ma-maintain ang balanced diet at healthy weight, bawasan naman ang consumption ng ilang substances tulad ng alcohol, refined grains, solid fats, saturated fats, trans fat, salt at sugar.
Kumunsulta sa doktor o dietitian kung may katanungan sa diet o kung nagpapalanong magbawas ng timbang o mag-change ng eating habits. Maaari silang mag-suggest ng dietary changes na makakatulong para makuha ang tamang nutrisyon at ma-achieve ang overall health.
Kung ang diet ng pamilya ay kulang sa fortified or enriched foods, makatutulong ang pag-take ng vitamins para maiwasan ang nutrient deficiency. May iba’t ibang multivitamins na angkop para sa bawat miyembro ng pamilya, abot kaya lamang ang halaga at maaaring bilhin para masiguro ang tamang nutrisyon na kailangan ng pamilya.
References:
https://www.healthline.com/health/food-nutrition/fortified-and-enriched-foods#1
https://www.healthline.com/health/balanced-diet
https://www.mindbodygreen.com/0-25402/5-essential-micronutrients-how-to-get-more-of-em.html
https://www.foodinsight.org/blogs/fortified-foods-friend-or-foe