Mga Paraan ng Pag-increase ng Ganang Kumain

October 24, 2017

May mga panahon kung kalian wala tayong ganang kumain. Minsan, ito ay dahil lamang hindi tayo gutom, o hindi natin gaanong hilig ang pagkain na nakahain. Pero minsan, may mga medikal na sanhi ang appetite loss na ito, lalo na kung madalas itong nangyayari.

May ilang karaniwang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng loss of appetite. Maaring dahil ito sa stress, o sa pagod. Pwede rin tayo mawalan ng gana kumain dahil sa sakit na iniinda natin, katulad ng lagnat, o kaya naman flu. O baka naman side effect ito ng mga gamot na iniinom natin.

Kung tayo’y madalas nang nawawalan ng gana, ano ang pwedeng gawin? Narito ang ilang tips para sa pag-boost ng appetite natin.

 

1.Uminom ng Tubig

Ang dehydration ay pwedeng mag-cause ng appetite loss. Siguraduhin ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig sa isang araw. Ang madalas na rekomendasyon ay 8 na 8-oz. na baso, o dalawang litro. Pero depende rin sa ating mga doctor, dahil baka mayroon silang espesyal na rekomendasyon base sa ating health conditions.

Mas maganda ang pag-inom ng maraming tubig kaysa sa mga softdrinks, powdered juice, at iba pa. Ito ay dahil ang mga inumin na iyon ay may dagdag na asukal, na pwedeng mag-cause ng bloating o gas, na pwedeng magdala ng pakiramdam na busog na tayo.

undefined

Alalahanin lang din na habang importante ang pag-inom natin ng maraming tubig, mas maganda kung hindi natin inumin ito lahat bago o habang kumakain. Ibig sabihin, balansehin ang fluid intake habang kumakain. Ito ay para makakain pa rin tayo ng maayos, at hindi mabusog sa tubig lamang.

 

2. I-review ang mga Gamot na Iniinom

Minsan, ang mga gamot ay mayroong side effects na nagpapawala ng gana nating kumain.

Halimbawa, may mga antibiotics na pansamantalang nakakaapekto sa ating taste buds. Dahil dito, maiiba ang ating panlasa – pwede itong mawala o mabawasan. Ang mga pain relievers naman ay kayang mag-cause ng irritation sa ating tiyan, kaya pwede tayong magkaroon ng kaunting nausea at appetite loss. Para naman sa mga heart medications o diuretics, nausea, pagsusuka at appetite loss rin ang mga side effects nito, lalo na kapag ininom ito nang walang laman ang tiyan.

Kapag napansin ang mga side effects na ito dala ng mga gamot na iniinom, mabuti nang magpatingin sa doktor o espesyalista, para mapag-usapan ninyo ang mga posibleng alternatibo o solusyon.

 

3. Bigyang Pansin ang Mental Health

Hindi lamang mga physical factors ang nakakaapekto sa ating appetite. May epekto rin ang ating mental health dito. Kung tayo ay nakakaranas ng stress, anxiety, depression, o iba pa, pwede tayong mawalan ng ganang kumain. Karamay ng ilang mental conditions ang fatigue, pagod, o kawalan ng energy at interest para sa iba’t ibang gawain. Nasasamahan rin sila minsan ng mga physical symptoms, katulad ng pagiging matamlay, pananakit ng katawan, biglaang weight loss, at iba pa.

Ang pagiging present ng mga mental at physical symptoms na ito sa isang tao ay maari talagang mag-resulta sa appetite loss. Mahalaga na kumonsulta rin sa doktor kapag nararamdaman ang mga ito, para mabigyan ng tamang gabay at wastong medikasyon, kung kinakailangan.

 

4. Dagdagan ang Intake ng Nutrient-Rich Foods

Maari ay sanay na tayo sa pagkain ng mga junk food, katulad ng chips, softdrinks, piniritong pagkain, processed food, at iba pa. Pero syempre, mas-importante pa rin ang mga masusustansyang pagkain, lalo na kung hindi natin kayang kumain ng masyadong marami. Kapalit ang pagkain ng mga tinatawag na empty calories, dagdagan ang prutas, gulay, protina, at iba pang pagkain na mayaman sa nutrients.

Maliban sa pagdagdag sa mga nutrient-rich food na ito, subukan din ang pagkain mas kaunti pero mas madalas, sa halip ng tatlong malalaking meals (almusal, tanghalian, at hapunan). Pwede itong makatulong sa pag-improve ng appetite, dahil mababawasan ang posibilidad na mabusog kaagad. Kasabay nito, madadagan pa ng nutrisyon ng ating katawan, dahil dumadalas na ang ating pagkain ng mga nutrient-rich food na nabanggit sa itaas.

 

5. Uminom ng Vitamins

undefined

 

Malaki rin ang tulong na mabibigay ng tamang gamot o bitamina. Ang pag-inom ng daily vitamins ay maaring magbalik ng ating appetite, lalo na kung ito ay mayaman sa Vitamin B o Zinc.

 

Ang Vitamin B ay nakakadagdag ng energy level ng isang tao, at nakakapag-improve rin ng mood. Malaki ang magagawa ng dalawang epektong iyon, para sa pag-ayos ng appetite natin. Para naman sa Zinc, may ilang pag-aaral kung saan nalaman na kapag ang isang tao ay may Zinc deficiency, maaring maiba ang kanyang panlasa sa iba’t ibang pagkain. Dahil dito, pinapayo ng ilang eksperto na uminom ng Zinc supplement para masolusyunan ang pagkawala ng ganang kumain. Maari ring sumubok ng mga appetite stimulant, para maging mas-healthy ang ating pang-araw araw na appetite.

Tiyakin lamang na magpakonsulta muna sa doktor bago umpisahan ang pag-inom ng mga vitamins at supplements na ito, para masigurado na tama ang mga gamot na ito para sa inyo.

 

Ang pagkawala ng ganang kumain ay isang nakaaabalang kondisyon, pero sa tulong ng mga tips na ating inilista, mababawasan ang posibilidad nitong mangyari. Lagi lamang subaybayan ang ating diet, mental health at mga iniinom na gamot.

 

Resources:

WebMD: http://www.webmd.com/healthy-aging/nutrition-world-3/maintaining-appetite?page=4