Zero Calorie Soft Drinks: Good or Bad?

February 20, 2021

Natural na sa atin na maghanap ng cold drinks o soft drinks kapag mainit ang panahon o kapag may mga handaan. Dahil alam natin na ang labis na pag-inom nito ay hindi nakakabuti sa katawan, kung minsan ay naghahanap tayo ng “healthier” na alternatibo gaya ng zero calorie soft drinks. Mas patok ito sa mga mamimili, lalo na sa mga nagbabawas ng timbang o kaya sa mga nagma-manage ng kanilang blood sugar.

 

Alamin natin kung mas mainam nga ba ang pag-inom nito kaysa sa regular na sugary drinks.

 

 

Ano ang contents ng zero calorie soft drinks?

 

Bukod sa wala itong calories, wala ring nutritional value ang ganitong mga inumin. Para magkalasa ito na halos kapareho ng original na timpla ng soft drinks, nilalagyan ito ng artificial sweeteners. Kaya lang, maraming health concerns na kalakip ang pag-inom ng ganitong klaseng softdrinks dahil sa kontrobersyal na epekto ng pampatamis na hinahalo.

 

Ang zero calorie soft drinks ay kadalasang gumagamit ng mga karaniwang artificial sweeteners gaya ng aspartame. Posibleng mas tumaas ang risk sa pagkakaroon ng obesity dahil sa labis na pagkonsumo nito bilang alternatibo sa regular na sugary drinks.

 

 

Anu-ano ang mga pwedeng mangyari kapag madalas ang pag-inom ng zero calorie soft drinks?

 

Bukod sa risk ng obesity, narito pa ang ilan sa mga negatibong epekto ng labis na pagkonsumo ng ganitong mga inumin:

 

  1. Tooth erosion – Gaya ng sa regular na softdrinks, ang pag-inom ng zero calorie soft drinks ay nakakasira ng ngipin. Nagdadala ito ng enamel dahil sa phosphoric acid content, gayundin sa taas ng acidic pH level nito.

 

  1. Diabetes – Bagama’t may nakalagay sa label na “sugar-free” o “diet,” hindi pa rin healthier alternative ang zero calorie soft drinks para sa mga nagpapababa ng blood sugar o may mga Type 2 Diabetes. Hindi rin ito inirerekomenda para sa mga may risk sa pagkakaroon ng nasabing sakit.

 

undefined

 

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/cola-glass-ice-on-white-background-338627708

 

  1. Osteoporosis – Katulad ng epekto sa ngipin, nagiging mas brittle din ang mga buto kapag labis ang pag-inom ng zero calorie soft drinks.

 

  1. Kidney disease – Nakakasira ng mga bato ang mataas na phosphorus content ng zero calorie soft drinks. Dumodoble ang risk nito lalo na kung nasa mahigit pitong baso ng soft drinks ang naiinom sa isang linggo.

 

  1. Heart disease – Ang pag-inom ng sugary drinks ay napag-alamang may koneksyon sa pagtaas ng risk sa pagkakaroon ng mga komplikasyon sa puso.

 

 

Anu-ano ang mas mainam na alternatibo sa zero calorie soft drinks?

 

Kung gustong maginhawaan mula sa init ng panahon o uminom ng malasang inumin habang may binabantayang health conditions, mas nakakabuti pa rin kung pipiliin ang alinman sa mga sumusunod:

 

  • Water o fruit-infused water para sa pandagdag-flavor;
  • Herbal tea;
  • Natural na fruit juices;
  • Black coffee; at
  • Gatas.

 

Ang paminsan-minsang pag-inom ng zero calorie soft drinks ay hindi nakakabahala. Maging mapagbantay lamang sa inyong sugar intake lalo na kung mayroong iniinom na maintenance medications o may pre-existing health conditions.

 

 

Sources:

 

https://www.healthline.com/nutrition/is-coke-zero-bad-for-you