Ang paso o burn ay nangyayari kapag ang ating balat ay napadikit o nalagyan ng bagay na mainit. Ang paso o burn ay nakukuha din kapag nakuryente, nalagyan ng kemikal, o na-sunburn ang balat. Sa ating pang-araw-araw na gawaing bahay, hindi maiiwasan na mapaso sa kalan o mabanlian ng mainit na tubig.
May iba’t-ibang antas ang paso sa ating balat. Depende sa antas ng paso ang karampatang lunas na gagawin.
- First Degree Burn
Ito ang paso kung saan apektado ang unang patong o layer ng ating balat. Hindi naman nito kailangan ng operasyon dahil ito ay naghihilom matapos ang ilang araw. Kung malaki ang bahaging napaso, importanteng magamot at maagapan ito agad upang maiwasan ang pagkakaroon ng peklat.
Ano ang sintomas ng first degree burns?
- Pamumula ng balat
- Pamamaga
- Pananakit sa parte ng balat kung saan may paso
- Pagkatapos ng ilang araw ay maaring maghilom na ang paso
- Second Degree Burn
Ang apektado rito ay ang iyong dermis o gitnang layer ng iyong balat kung saan dumadaloy ang dugo. Dito rin present ang mga lymph node o kulani, ugat ng buhok, pati na rin ang iyong nerves na konektado sa iyong utak.
Kapag ikaw ay may second degree burns, kumonsulta agad sa espesyalista o
dermatologist kung ano ang tamang ointment para sa napasong bahagi.
Ano ang pinagkaiba ng sintomas sa first at second degree burns?
- Sa second degree burns, lumolobo ang balat o blisters na may laman na tubig.
- Third Degree Burn
Ang paso na ito ay umaabot sa pinakamalalim na parte ng iyong balat o sa subcutis.
Ang subcutis ay ang responsable sa pag-absorb ng temperatura at pinoprotektahan ang katawan. Ito ay nagsisilbing “shock absorber” kung sakaling magkaroon ng matinding injury ang isang tao.
Kapag ganito na ang antas ng iyong paso, inirerekomenda ng mga dermatologist na mag-take agad ng antibiotics. Ikonsulta na lamang muna sa iyong doktor kung anong antibitotics ang pwede mong inumin at kung ano pa ang iyong dapat na gawin.
Ano ang sintomas na ang iyong paso ay third degree burn?
- Matinding pamamanhid gawa ng pagkasira ng nerve sa loob ating balat
- Kulay itim o puti na ang bahagi ng balat kung saan may third degree burn
- Fourth Degree Burn
Ito ay ang antas ng pagkapaso kung saan, sunog na ang buong balat kasama ang buto, kasu-kasuan (muscle), tendons, o pati na rin ang ibang lamang-loob sa ating katawan.
Kinakailangan nang isugod sa ospital kung sakaling mangyari ito sa iyo.
May RiteMED ba nito?
Mga dapat mong malaman tungkol sa RiteMED Povidone Iodine:
Para saan ang RiteMED Povidone Iodine?
Ito ay ginagamit bago at pagkatapos dumaan ng operasyon ang isang pasyente. Pwede rin itong gamiting first aid sa paso at panlaban sa mga impeksyon sa balat (na dulot ng bacteria) upang malinis ang paligid nito at maghilom agad.
Paano ito ginagamit?
Maglagay ng Povidone Iodine sa cotton ball at ipahid sa bahagi na may paso. Ito ay
dapat i-apply ng isa hanggang tatlong beses sa isang araw.
Paalala sa tamang paggamit ng gamot
- Huwag hayaang maabot at paglaruan ng mga bata
- Ilagay sa lugar kung saan may temperatura na hindi bababa sa 30 ° C
References:
https://www.healthline.com/health/first-degree-burn#symptoms
https://www.healthline.com/health/burns
https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=90&ContentID=P09575
https://www.hopkinsmedicine.org/healthlibrary/conditions/dermatology/burns_85,p01146