Gamot sa sugat

January 17, 2019

Lahat tayo ay dumaan sa pagkakaroon ng sugat sa balat. Maaari itong magmula sa pagkakagasgas sa mga magagaspang na bagay, pagkakahiwa o pagkakatusok mula sa matatalim, pagkakapaso mula sa maiinit o sa matatapang na kemikal. Dahil maraming pwedeng pagmulan ng sugat sa balat, dapat kabisado na natin ang tamang pag-alaga ng sugat.

First Aid Tips Para sa Sugat

undefined

Photo from Pixabay

Iba’t-iba ang mga dahilan sa pagkakaroon ng sugat kaya magkakaiba rin ang paraan kung paano gamutin ang mga ito.

Para sa sugat na malalim at labis na pagdurugo:

  • Itaas ang bahagi ng katawan na may sugat at balutan ng benda o malinis na tela ito. Importanteng mapigilan ang pagdurugo. Maaaring ikamatay ang kawalan ng sobrang dugo sa katawan.
  • Kung ang sugat ay sa may braso hanggang kamay, maglagay ng arm sling para hindi ito magalaw, hindi mamaga, at hindi sumakit.
  • Kung sakaling hindi mapigilan ang pagdurugo, tumungo na agad sa pinakamalapit na ospital.

Para sa open wound na dulot ng gasgas o pagkatusok:

  • Hugasan ang sugat gamit ang malinis at malamig na tubig.

Kapag malamig ang tubig, naiibsan ang pagdurugo at mas napapadali nitong mapagaling ang sugat. Kung wala namang malinis na tubig, magpakulo o bumili ng distilled water.

  • Gumamit ng antiseptic gaya ng povidone-iodine upang lalong malinis at maiwasan ang impeksyon sa sugat. Uminom ng antibiotic ng ayon sa rekomendasyon ng doktor.
  • Pwede rin maglagay ng bandage

Pagkatapos linisin ang sugat, takpan ito ng adhesivge bandage para maiwasan ang maimpeksyon. Mas mainam kung hahayaang matuyo muna ang sugat bago ilagay ang bandage.

May RiteMED ba nito?

undefined

Mga kaalaman sa Ritemed Povidone Iodine:

Para saan ang antiseptic na ito?

Ito ay para malinis ang sugat sa balat. Kung ikaw naman ay ooperahan, ito ay

           ginagamit bago at pagkatapos ng operasyon.

Paano gamitin ang Ritemed Povidone Iodine?

Maglagay ng Ritemed Povidone Iodine sa Ritemed Cotton Balls at ipahid sa bahagi ng katawan na may sugat. Ito ay maaaring gamitin sa loob ng isa hanggang tatlong beses sa isang araw.

Mga paalala tungkol sa Ritemed Povidone Iodine:

  • Kapag hindi ginagamit, itago sa lugar na may temperaturang hindi tataas sa 30° C
  • Iwasang ilagay sa lugar na maaabot ng mga bata.

Ano ang mga hindi dapat gawin kapag may sugat?

  • Huwag sabunin

May mga maling paniniwala na kapag may sugat ay dapat sabunin at saka babanlawan ng tubig. Ang sabon ay detergent na lalong nakakadagdag ng injury sa sugat at hindi nakakatulong sa paggaling nito.

  • Iwasang gumamit ng 70% na alcohol at Hydrogen Peroxide

Tulad ng sabon, ang paggamit ng alcohol o hydrogen peroxide ay hindi nakakatulong sa paggaling ng sugat at nakakasira ng tissue sa katawan.

  • Hindi nirerekomendang uminom ng antibiotic kung walang reseta ng doktor.
  • Huwag kamutin o hawakan ang bukas na sugat.

Kapag hinahawakan, lalo na kung marumi ang kamay, ito ay maaaring magka-impeksyon.

References:

https://www.healthline.com/health/pus

https://www.webmd.com/first-aid/ss/slideshow-wound-care-dos-and-donts

https://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2016/06/11/hydrogen-peroxide-wound-cleaning.aspx